Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his Attendance to the Convergence of Nanay Volunteers as Community Drugwatch
Parade Grounds, Clarkfield, Angeles City, Pampanga
22 December 2016
[start of live stream]

Arroyo; Governor Pineda; Vice Governor Pineda, Congressman Gonzales, kasama ko, we came together; Chairman Andrea Domingo ng PAGCOR; Mr. Noel Manankil of the Clark Development Corporation; officials and employees of the Clark Development Corporation and Clark International Airport; mga nanay na nagmamalasakit sa anak nila; mga kasama ko sa gobyerno; mga kapatid ko.

‘Nong panahon pa ni Presidente Arroyo, ako po’y nakasali sa activity ng national government. I was taken in by her, parang consultant, adviser, but that’s a Cabinet post. Hindi ako pwedeng maghawak ng dalawang pwesto. Kaya consultant lang ako.

She wanted me to join government at that time but I consistently refused, since Ramos, DILG, puro DILG ‘yan hanggang sabi ko, ‘Ma’am, get me just as a adviser sa public order and security.’

So I used to go in Malacañang even at night just to talk to the President and meetings. So alam ko ang sitwasyon ng bayan, more or less because I was there.

When I was governor, I knew that we had a very—no, mayor rather. When I was a mayor of Davao City I knew that we had a very, very serious problem, drugs. Alam ko.

Pero hindi ko talaga alam kung gaano kalalim ang tama ng bayan. But in my city, it was to me a very serious, very serious problem.

And I said that if I do not do anything, this city will never develop or improve. So when I—‘yung naging mayor ako, kasi piskal po ako, sabi ko sa mga tao, I want just a peaceful city.

So ‘yung unang pampagulo doon, ‘yung away ng militar, pati ‘yung mga NPA, nagpapatayan sila, nagbabarilan mismo sa siyudad na.

So kinausap ko ang NPA, kung maari lang po, tutal ang laki-laki ng Pilipinas eh, lumipat na lang kayo sa ibang bayan. Doon sa Luzon malawak. [laughter] Marami kayong mahingian. Huwag dito sa siyudad ko, kasi alam mong mahirap lang eh, just trying to… Mindanao tayo eh.

Actually, we talk on the same wavelength. Ako po’y anak lang ng mahirap. Ang tatay ko’y pumunta ng Mindanao ‘nong binata pa, married a Mindanaoan, and ‘yun ang buhay namin talagang mahirap.

So [natipan?] ang kahirapan sa buhay ko. At one time in our lives, ang aming bahay was demolished also, because my father thought, being a lawyer at that, na akala niya ‘yung wetland, pagatpatan sa Bisaya ‘yan, wetland. Akala niya bakante, ‘yun pala may-ari na.

Actually, ‘yung sloganeering na, ‘Go to Mindanao because it is the land of promise’ by the Americans, was an American invention because they wanted people to work for them.

Mindanao was a typhoon-free island. So nakita na nila doon na what you plant, you harvest. Visayas and Luzon, what you plant, well, you just have to keep on praying to God that no big typhoons will visit you to wipe out your crops.

So gusto nila ng mga tao, wala silang makuha because the Moro would never really work for them. So you go to Mindanao. At marami hong nahila doon, pati maraming mga—there’s a big community of Pampageño there.

Ang pinaka-malapit ko po, ‘yung mga kababata ko, mga Lising brothers, anak ni doctor. They were the ones who—sila Timbol. Those are the guys na, who made their millions also, nag-negosyo doon. ‘Yung mga may pera. ‘Yung mga trabahante wala.

So there are Visayans who made it big, but in today, there are also some Visayans na hindi talaga inaabot ang swerte nila sa buhay and they remain poor.

And so what I wanted was a city that was developed. Sinabi ko sa mga NPA, ‘Adre, pareho man tayo ng balahibo, tumabi muna kayo dito.’ Nagkakaintindihan kami kasi lengwahe ng mahirap eh.

Hindi naman ako pro-ano, but I was really all the time talking to them. And my mother. Noong panahon na, when I was fiscal, I was handling Karapatan, ‘yung Karapatan ngayon, justice alliance for justice, freedom, and democracy. I was handling it… justice diyan, ‘yung hustisya lang naman na tama, neither did I favor anybody, na ‘yung mga komunista. It was just to see, that every time I felt shaken like—

‘Nong na-mayor na ako, iba ang istorya. Because I want a… [unclear] limit. ‘Yun, masama ‘yung batas na ‘yan, dapat palitan talaga ‘yan. Maski sinong gobernador or mayor na tanungin mo, isang magbayad ng utang tapos to get in the project, the money.

That was a, a, an almost a reckless reaction ‘to doon sa, kay Marcos noong panahon… Na-ano lang tayo sa, galit natin. That Constitution was not a product of Marcos. I never took part in it. It was already 1935 Constitution, sila Claro Recto ‘yun, sila Quintin Paredes. Walang kasalan itong sumunod.

But because nangyari sa atin, ‘yun… lahat ng ginawa ni Marcos, although, it was not Marcos’ Consitution, sinira, sinira. Pati ‘yung Martial Law powers ng Presidente.

The Martial Law powers are subject to review by the Supreme Court and by Congress. Kung mag-declare ako ng Martial Law at may invasion ngayon o giyera, I cannot proceed on and on, lalo na kung may gulo, pupunta pa ako sa Congress, pupunta pa ako doon sa Supreme Court, if there is anybody who’d file a complaint to look into the factual, kung totoo ba, which you could not do.

Eh kung magulo ang mundo? Kaya nga Martial Law na eh. Para isang tao na lang ang mag-direkta. Eh ngayon ang problema niyan, kung finding sa Supreme Court at ‘yung findings ng Congress magkalaban, hindi na alam ng pulis kung saan siya magbigti, ‘yung… [laughter]

Pati biik pati ‘yung mga president kung saan siya mag-dive. Eh kung iba ang Supreme Court, magsabi ang Congress yes, no ito, or no ito, yes itong isa. Saan mo ako ilagay? Kaya kailangan ko talagang palitan ‘yan. But there is a safety measure there. I’ll just tell you later.

Anyway, papunta doon. So sabi ko, alam mo piskal ako, kaya kong basahin ang utak ng isang criminal. Ten years ako piskal. I could read your mind, if it’s a criminal mind.

So when I became mayor, diretso na ako. ‘Umalis kayo sa Davao. Huwag ninyong sirain ang mga anak namin, because if you deprived us of the youth for the next generation, I will kill you. Do not destroy my city, because if there are no jobs, no businesses,’ ang private sector lang naman makabigay niyan.

Because I am not an employing– Hindi namin kaya bigyan trabaho lahat. Administrador lang kami. Hindi kami ‘yung nagnenegosyo na SM o kay Gokongwei o may PAL na… you’ll get employ– We just collect taxes to run government, that’s about it.

Ang gastusin namin ‘yung buwis na nakokolekta namin, which is really a very minimal amount, compared ‘yung mga milyonaryo diyan na may mga negosyo sila eh, itong Clark Development, ‘yan. Diyan ka. Ang taxes diyan kukunin natin.

Pero ‘yung mga kita ng milyon-milyon, hindi atin ‘yan. So that is really what happened. So sabi ko, umalis kayo, kung hindi magpapapatayan talaga tayo dito.

Pero ‘yung droga, istrikto talaga ako. Hindi ko na sabihin sa inyo kung gaano ka-strict. But sinabi ko talaga, huwag na huwag, huwag. Wagwagin kita, sa totoo lang. So… [laughter and applause]

‘Di alam ni ma’am ‘yan, ni presidente, kasi mainit talaga ulo ko. Even when we’re talking, ‘yung kami-kami lang sa Cabinet, pag nagagalit ako, nagmumura ako. May isang magsabi, ‘Rody, relax ka lang.’

Ganon talaga ugali ko, walang hiya ba. [laughter] Hindi naman kasi alam namin sa Mindanao kung ano ‘yung hiya.

Anyway, ‘nong nag-Presidente ako… kung hindi ako naging Presidente, sorry kayong lahat. [laughter and applause] Remember that I fired—

Ma-swerte lang talaga. Fate, it has something to do with destinynatin. Hindi ako… Hindi ko isipin manalo ako, sa totoo lang. ‘Di, totoo. Wala nga… Sino naman ang nag-suporta? Well, of course Pampanga was rooting for me. [applause]

Maski sa mga survey, because kaalyado ako ni Presidente. Alam ko, kaya wala ako masyadong—[applause]

And si Governor Pineda assured me, [applause] sabi niya, tutulungan kita, hindi ko lang masabi kung lalamang ka dito o hindi. Pero [laughter and applause] kung matalo ka lang ng dalawang boto, pasensiya ka na. [laughter]

Ibig sabihin, tabla lang ‘yan. ‘You know… ‘di, ang suporta ko dito, Imee Marcos. Pero hindi ako bata ng Marcos ha. [laughter] Ang tatay ko, ang tatay ko noon governor ng Davao. When Marcos won for the first time, he took in my father as one of his Cabinet member. ‘Yan ang ano diyan–

Eh sila eh bugokski, hindi naman nila alam kung ang istorya ng—Basta sulat nang sulat lang, bata ni Marcos. Hindi ako bata—kaya lang out of, you know, ‘yung alliances. Saan man ako mamili rin ng Presidente?

Sabi ko, I fired seven generals. What were the crimes? Drugs. ‘Yung isa, police aide pa ng, aide-de-camp ni— ‘yung ginagamit mo na ribbon pangtali diyan sa [laughter and applause]

Wala na ‘yan. Ang “yelo” kasi sa Davao “ice”, di ba? [laughter and applause]. Ganun ba din ang tawag dito sa ‘yelo’? I think somewhere in Pampanga “yelo” ang tawag nila ng “ice”.

Natunaw na ‘yan, huwag mo na pakialaman yan. [audience cheers]. Ang pulitika talaga dito hindi party-party. As a matter of fact, yopu know, I never expect… really expected. Ako na…ako, si Imee, si Abet ng Batang — Bataan, Marinduque si Lord, pero talo ako doon.

Tapos even in the home province of my father, wala akong lider ni isa. Even in the hometown, Danao City, ang mga kalaban ko doon mga Durano. They were for Poe.

Sa Mindanao, wala akong isang congressman, wala akong isang gubernador. And yet, I won. Noong nanalo ako ng—this is connected with my story about drugs—noong nanalo ako ng 6 million plus over the next guy, pumasok ako sa kwarto—kakamatay lang ng nanay ko mga 2 years before, sabi ko, ‘Ma’ — kaya pumunta ako ng sementeryo. Doon ako nag-iyak. Ang…ang doon naman kasi ‘yung pagod ko—yung lahat na, pagod, sama ng loob. Doon ko na binuhos sa iyak ko at sabi ko na, ano kayang ibig sabihin nito?

Anong utos ng…? This has to be destiny. Walang iba. Destiny talaga. Ibig sabihin utos ng Diyos. Sabi ko [applause] na may talagang pinapagawa ang Diyos sa iyo.

So when I became President ‘yun lumabas by the hundreds of thousands. Sa aking bilang ngayon, we are hitting 900,000 plus. Before the year ends it will be, I am sure—hit the million mark. Now, yun yung akin. Itabi ko muna yung akin.

During the time of General Santiago sa PDEA. Sabi niya, there are already 3 million drug addicts in this country. I was appalled noong nakita ko araw-araw nagsu-surrender sa mga barangay hall, sa police. Mga bago ‘to. Yung iba nagsabi na dati na sila but many of those who admitted that they were only former addicts, umabot na ng —

So ito na lang, sabihin ko sayo. Minsan, nag-away…nakipag-away ako ng mga Amerikano. Kasi ito ngang patayan, sabi nila, ‘Duterte maghinto ka.’ Mga ganoon na style. But ito kasing…I don’t know about…ba’t tayong mga Orientals — Asians, huwag mong ilagay yung ganoon na salita. Yung parang patay-gutom. Yung pagsabi, ‘O you do this. Stop that or you will not get the aid or assistance from us.’

Parang ganoon ang salita ang…hindi mo naman pag mag-sabi, “Can we talk with you?” At parang they reprimand me in public. Ang una yun bang mga opisyal na wala namang ranggo hanggang mataas naang ranggo pati si Obama. Alam mo pagka ganoon, sabi nila pabalik-balik eh wala tayo ibang…why? ‘Why does Duterte keep on making tirades against the Americans?’ Because we are talking about drugs.

Ang sabi ko sa kanila, huwag kang magsalita ng ganoon na parang patay gutom kami dito sa Pilipinas kung hindi ka magbigay ng aid. Do not do that every time you reprimand me in public, which is really the worst.

You know noong mayor ako nag-deliver ako nitong mga drug addicts, ini-imbestigahan na ako ng rapporteur. ‘Tignan mo yung ganyan-ganyan.’ I was already investigated by the rapporteur of the UN. Then si De Lima, yung asawa ni Samson, [audience cheers], she investigated me. Then, tapos ngayon sa Senate—siyang siya, Secretary na siya ng Justice, then the Senate, then the House. Tapos ngayon gusto akong imbit—imbestigahan. P****** ina kayo. [audience cheers].

Anong palagay mo sa akin, g***? Well, sabi ko—may isa pa itong may bago. Ang problema kasi, sa puti—itong Amerikanong u***, every 5 Americans [unclear] ang tatlo diyan idioto. Dalawa lang diyan ang tama ang utak.

Bakit mo ako imbestigahin? For saying when I was the President, “stop drugs because if you are destroying my country, I will kill you.” and if you deprive us of our youth for the next generation—yung mga anak ninyo, saan tayo kukuha ng Pilipino na tatakbo ng bayan na ito kung puro gung-gong na lahat?

Remember 4 million is 4 million. It’s no joke and they are spread all throughout the country. And we are already a narco-politics state. We did not realize it until I became the mayor…that there were already congressmen, governors, mayors, barangay captains pati pulis by the thousands.

Gusto ninyo makita? Bigay mo nga ‘yung [laughter]…I’ll give you a visual para ma-picture ninyo kung ano tayo kahirap. At itong mga…tumahimik ‘yung mga Amerikano kayo.

Ito ang drug industry natin. Ayan o picture, ‘yan si Loot, ayan o generals—sangkatutak na g***, mga p***** ina. O mga generals. ‘

Alam mo ang nandito pangalan ‘to lahat every page. Every page yan. Puro pangalan yan. Ang karamihan municipal mayor pati barangay captains. So we are a narco politics state. Ito ang industry. Nandiyan yung mga pangalan. Kasi patay…’yung listahan pala ng patay eh. [laughter and applause]

Hindi man ako ang civil registrar. Kaya sabi ko, ito matindi ‘to. Narco-politics na tayo. Kung sunod election ganoon, manalo siya. Kaya sabi ko sa mga Congressman, ‘wag kayong magpatawag ng election.’ Ngayon, mananalo lahat ‘yan, eh, pera eh.

Kita mo rami noon, maski na ‘yung Congress bigyan ako ng authority patayin ko mauubusan ako ng bala, pati panahon. Kaya ‘yan ang problema natin ngayon. So that the people would know, because if we sink to the dogs, alam na ninyo kung papano.

Sabi nila it’s not easy to be ano, patayin nila ‘yan, patayan, patayan, patayan. We cannot be build a nation over the bones of our countrymen. But somebody, somehow must solve the problem. Kaya ‘yang kopya na ‘yan binigay ko kay Speaker Alvarez pati kay Senate President Koko Pimentel. Sinabi ko sa kanila, hindi ko kaya.

Pirmahan kami doon kanina ng budget natin, 3 point na — 3.7 trillion. Sabi nila mayor, ‘andyan na ‘yung budget mo,’ sabi ko, hindi ko kaya adre.

I mean, dadating ang panahon ang sikmura mo, hindi mo na masikmura magsira ng — patay ka. Pero ‘yun, lumalaban ‘yan. Alam mo ang kapagtaka ganito – ang human rights, bago ako naging Presidente, tingnan ninyo ‘yung statistics, grabe na ang patayan noon. Bumalik kayo two steps backward, nandyan pa ‘yung mga newspaper, buhay pa.

At kung Presidente ko, I did not start operating against the drug syndicates or the drug industry for that matter but marami ng patay, 6, 10, 20 a night. Hindi pa kami nag-uumpisa, hinold ko muna ‘yung pulis. So, who did the killings? Eh di sila. Naglilinis sila, nagke-cleansing sila, pati yung mga big time, umalis na.

Now, they are operating, maski sino dyan malaman niyo, they are operating the drug industry from inside the prison. May jammers na nga, they still operate just like the cartels in South America.

May libro dyan kay Ioan Cartel, the word is cartel. Iyon. Paano ito? Na binabastos na tayo and even the Secretary of Justice, siya na mismo ang nagdala, tapos ang kapal-kapal pa ng mukha, lahat na, ni walang isa nagsabi ‘hindi totoo ‘yan’ kundi siya.

Bilib talaga ako ni, itong si, biyuda ni Samson. Hindi, nakakita man ako ng sugapa na babae sa buhay ko. Pardon ha, pardon this, it’s not intended for everybody. I am zeroing on this [unclear]. Bilib ako. Bilib ako sa tang —

Kumpleto pagka-artista kung nasa harap na nitong, lalo kung makakakita ng microphone. Sumisigaw, tumatawa, iiyak, tapos pagka hapon punta doon sa magvideo [inaudible]. Tapos balik doon sa Senate, yawyaw naman ng yawyaw, pagka hapon purihin siya ng boypren niya, magvideo-video na naman tayo.

Ang by the way ‘yung, eh, galit ako sa ‘tong Central Bank na. Alam mo, itong AMLA, ito ‘yung nakikita lahat, because they have the blanket authority na silipin nila. Sabi nila, sinabi nila ako maraming akong 211 million. Oh, bakit hindi ako dinemanda? Diba ‘yung ang bilyon-bilyon sabi ng Inquirer lahat ng garbage kasali na dyan, [unclear] lahat.

Ako sinasabi ko, hindi totoo. O ngayon nandito, bakit hindi ako totoong may 211 billion ako, bakit hindi niyo ako imbestigahan? Sabi ko fa-filan ko kayo ng kaso p***** i**, hindi nagta-trabaho ‘yang mga gagong ‘yan.

I just gave a warning sa Malacañang kanina. Sabi ng NBI, sir hindi, tinurn-over na pero walang analysis ‘yung flow ng ano. They are supposed to do that kasi trabaho nila ‘yan.

Sabi ko, ‘bantay kayo kay pag yan eh, t*** i** mo dadamputin ko kayong lahat.

Kasi I could charge you for you know — bantay kayo, if I charge you for something at may naisip na ang Justice Department, I will personally arrest you, all of you.

Pati ‘yung kay Jack Lam, alam na, meron silang, tawag nitong p***** i**** laro na ito– online, dito ang sugal natin tinatax pero yung sugal sa labas, tumatanggap sila, wala tayong records, sabi ni Andrea, wala tayo dyan. Sabi ko, so magkano pag may ano, meron –

‘Yung PEZA, kaya walang tao dyan, wala akong inilagay dyan ngayon. Hanggang ngayon naghahanap ako ng prober, proverbial, the honest man, yung tao na nagdadala ng lantern maski araw. Bakit ganun? Naghahanap ako ng honest na tao, wala pa akong makita. Baka nandito sa Pampanga.

Ang estimated 300 billion. Hindi ‘yan ang kita ng gobyerno, ‘yung lang napupunta dyan sa PEZA head. Maraming nagre-rekomenda dyan, alam ko, hindi ko na lang sasabihin, kaya talaga I was never tempted to sign tao dyan.

Even sa military naghahanap ako. Kasi trillion ang nawala natin dyan. Tatanggap sila ng pusta sa labas, hindi naman kasali doon sa recording nila, dito lang.

Kaya pina aresto ko ‘yung buwang. Tapos sabi ng NBI, maaga eh. P***** i** arestuhan mo ang g***** ‘yan. Sabi nila ‘eh, sir wala man kaso, walang charge’ .

Sabi ko ‘arestuhin mo’. Anong charges? ‘Ako na ang maghanap ng kaso’, dalhin mo muna dito ‘yan.’ Putulin mo ang ulo niya wala naman ka-kaso kaso ‘yan. Ilang araw lang naman ‘yan sa Diyos tapos mawala man. First month — pagkatapos ng isang buwan tatahmik din ‘yan.

Eh, pero kayong mga taga labas, ‘wag niyong lokohin ang Pilipino kasi — So ganun. At isa itong — dun sa droga– alam mo ang droga, sabi hingi tayo ng hingi sa Amerikano.

Ah, ito, I’ll give you a computation. Drugs, 200 ‘yan dito, diba. Nagta-trabaho ‘yan, may sweldo ng 12, 12 ‘yung iba 8. Per hit is 200,000. Kung trabahante ‘yan, studyante, whatever, ang isang hit is 200 times 6 —- 6,000 times 12, that is 18 billion a month. At times 6 rather times, times 30 times 12, 18 billion, that is 216,000. Billion ang nawawala, P***** i**.

Saan ang punta, naliligo ng pera, corrupt lahat, kasi binibigyan. So, sa ibang lugar talagang gumagana. Puro bigay dito, bigay.

Easily, they corrupted the entire Philippines. Kaya lahat ang mga Mayor pati lahat ng mga, itong mga big time, naging milyonaryo. So ‘yung ibapatay na. Si Odicta, si Albuera.

Ngayon I’d like to mention. I think there is one United Nation official, human rights. Sabi niya si Duterte daw is a murderer and he should be charged for murder. Dapat daw akong kasuhan dito sa… sabi ko, this guy is either a joker or medyo sira ang ulo.

There is no crime in my country which says I cannot threaten criminal. Sabihin kayo, ‘pag pinakialaman ninyo ang bayan ko papatayin ko kayo.’ That is a legitimate statement.

Pag sinabi ko, ‘do not destroy the youth of the land because you will be destroyed.’ Kasi ako nag utos sa pulis pati military because of the enormous — three, four million Filipino, you think I know — pakisabi nga kung sino ‘yung ulol na ‘yun. Kindly tell him, he’s just another stupid there.

Ang mahirap nitong United Nations, you guys, you are employed by an organ composed of nations. Those officials are elected by the people.

You, ‘yung mga kayong mga opisyal diyan, you and the officials sitting there on you a***es, we pay you your salary. You idiot, you do not tell me what to do. I am your employer and do that, do it to a nation.

Who gave you the right to be — kulang kayo ng international law. Kami ang may kontribusyon sa United Nation — kung hindi ba kayo t*********do, p******* in aka. At ako ang nagbabayad sa sweldo mo, huwag kang magsalita diyan kala mo empleyado mo ako.

I am member state, a sovereign state. Please shut up kasi ‘yung utak ninyo diyan kulang. Do not do that. You’re just an employed there, appointment kayo. Got it?

You just employees of an office there or subsidy comes from the pocket of the member states. And you do not have that authority to be — act. You strut around as if you’re also a sovereign idiot. Ang sabi ko nga eh, sabi ko sa inyo bugok kayo, go back to school. You have not learned [applause].

You there in the United Nations, you do not know diplomacy. You do not know how to behave, to be a employee of the United Nations. You do not talk to me like that, you son of a b****. [applause]Magsa-son of a b**** lang sa akin ang Filipino kung hindi ako nagta-trabaho.

So good that I remembered. Send that copy to him. Tell him if he wants to come here kung hindi sampalin kita yaw aka. [laughter] So that’s — I’m ano — ‘yan ang gastos: 200—if it’s 6,000 a month.

Let say 10 billion times 3 million, ngayon 14—idagdag ko muna ‘yung akin. And the reason why I am mad is sabihin nila may namatay dito.

Sabi ko nga eh hindi kami nag-operate until after two months marami ng patay. So who did the killing? And they are attributing those killings to us. Na parang ‘Duterte you are — violation of human rights.’ Who said so?

First 3,000. Aba tanungin kita, who was my 50th victim? Sige daw. Sige, sino ‘yung pinaka 150th victim ko? Tell me the name, sex, residence, ano ang trabaho niya? Daldal kayo ng daldal—you’re just easy to convict a person in a criminal proceeding. Subukan mo paupuin kita diyan sa witness stand, paikutin kita diyan isang araw.

Ang akin dito, mahal ko ang bayan ko kaya ako tumakbo [applause].
And we do not—

During the debates we were asked, ‘Ikaw ba ay papayag ililibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani?’ Ang tatlo said “No”. Ako at si Binay naging “yes” kami. Ang akin wala doon ‘yan sila except that dalawa lang kasi sa batas eh: Sundalo, Presidente period. Walang sinabi, ‘hindi sya ilibing kung may kasalanan siya, nag martial law, maraming nama…’ —iyong sentimiyento except if the sentiments is strong that would amount to a — wala. Sinabi lang sundalo o Presidente, period. ‘Yan ang explanation ko.

I complied on my promise: there will be no corruption, I will assure you there will be no corruption [applause]. ’Yung pera ninyo dadating talaga sa inyo.

Every Cabinet meeting nagwa-warning talaga ako kasi pag hindi, yan dalawang Immigration commissioner ‘yun nasabit dito, I fired them. Do you know who are they? They are my fraternity brothers.

Pag sinabi ko malinis, malinis. Tapos sabi ko, droga. That is a sacred covenant.

You know, usap tayo sa United Nations, ‘yun idiot. [unclear]. If I make something, I proclaimed during the elections and that is accepted by the people by electing me, that is a sacred covenant. Whether you are there or not, you are nothing, I will comply with what I have promised to the people. [applause].

And then another one is ‘yung criminality. Nagdaan ako sa — nung mayor ako sinabi ko, ‘all that I have to do is to make the city peaceful.’

‘Yung economy sila na ‘yan marunong. Look at Davao. Davao is hitting, ang growth? It’s nine. Nine. Ang ayaw ko lang magsinung— ang sumunod, 7.6. Punta kayong Davao, tingnan ninyo ang Davao.

Malinis, pwede kang magpasyal maski saan, gabi kaya lang pag ala una, tapos ng inuman. Pag sa Davao, hindi ka pwede manigarilyo pag naglalakad-lakad. Lalo na ito park. Halos mabuwang ang tao doon kung, if you need ang fix.

You know, nicotine is an addictive chemical. Kaya hinahanap-hanap ng tao, hindi mawala-wala eh. And it’s even a cause of cancer, okay lang basta — well, hininto ko sa Davao. Wala — Davao is no smoking, natuto na ang mga tao sa Davao.

Manigarilyo ka tapos ayaw mong, hindi ka mag-hinto. Magsabi ka pa, ‘hmm, hindi naman pera ito ni Duterte.’

Ah ganun? Halika. Kainin mo ‘yang sigarilyo mo. Sabi niya, ‘mayor eh…’

Sabi ko, ‘may baril ako dito, papiliin kita. Pasabugin ko yang bayag mo o maghinto ka [laughter] kainin mo. [unclear]

Ang tao kasi hindi mo madala kagaya na, ‘adre, pwede bang ihinto na nartin ito, kakahiya naman kay ano.’ Hindi mo madala ng ganun. Pero bigyan mo ng isang example, o bakit sa Davao walang masyadong meron?

Alam mo may kwento ako sa’yo ha, pero iyong engkwentro. Ito yung hinahabol ni De Lima [laughter]. Isang araw, sabi kasi, what will you do if there is a drug laboratory in Davao? They will not go out of the city alive.

Better to report it to the [unclear]. 9,004 yun mam? May naglaboratory nga anak ng. Despite or in spite na ako yung mayor na nagsasabi.

Sa madaling sabi nilusob ng mga pulis, lumaban ,patay. Sa galit ko nilinya ko lahat ng patay diyan sa highway. Siguro marami ng nagreklamo kasi ang traffic. Kasi pag daan ng sasakyan manonood pa kung sino yung mga mukha. Ang traffic. May tumawag kay Ma’amm. Sabi niya, ‘O Rody bakit naman ganoon karaming patay diyan?’ Bakit mo inano diyan sa highway. Nagtatraffic.

Kasi una akong nakapagsabi sa akin. I think Dureza o. [Unclear]. Tinawagan ako ni President. Talagang dinisplay ko. 6. Kinuha yung katawan. Hindi ko binigay muna. What’s the passport? Walang identity nito mga yawa na ito. Binigay ko sa ano. Yung katawan? Yung mga bata nagpapatulong sa akin magbili ng —

Alam mo ang Pilipino maski na ka — pinakamahirap na sa lahat ng mahirap hindi talaga ipagbili ang patay. Tinawagan ang medical foundation school, pareho ng mga doctor. O eto bigyan ko kayo. Maganda ang mga katawan nito. Tigisa lang ang butas sa ulo. Huwag mo ng pakialaman yung utak. Eto na lang yung ibang. Sige praktisan. Ay anim.

Praktisan ng mga bata. Maligaya kayo. Sobra-sobra yung. Dalawa lang hiningi nila. Binigyan ko sila ng anim. Hindi ako naghingi ng discount. Libre talaga. Andiyan na iyan.

Anyway it is getting late. I would like to apologize to the President for my language. Minsan kasi ang bunganga ko. Tama iyan hindi ko pa naisip, lumalabas na.

Okay lang yun kung sa utak lang sa bunganga. Pero hindi mo pa nakita naisip lumabas na problema iyan. Iyan ang P****** ina. Iyan ang ayaw ko na sakit. Premature. Premature baby.

Maraming salamat po.

—END—