Photos


Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa reception na inihanda para sa mga bisita nina King Charles III at Queen Consort Camilla sa Westminster Hall.
TINGNAN: Dumating na sa United Kingdom si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para dumalo sa koronasyon nina King Charles III at Queen Consort Camilla. Habang nasa Gatwick airport, siniguro ng Pangulo na makipagpulong sa mga opisyal nito at lumibot na rin sa kinikilalang ikalawang pinakaabalang paliparan sa mundo. Ito ay para makakalap ng mga ideya sa pagpapabuti ng operasyon ng mga airport sa Pilipinas. Sinalubong si PBBM ng representante ni King Charles III upang bigyan ng mainit na pagtanggap sa bansa.

    No more photos to show