April 25, 2017 – Interview with PCO Secretary Martin Andanar – DZRH / ACS Balita by Angelo Palmones and Henry Uri
Interview with PCO Secretary Martin Andanar – DZRH / ACS Balita by Angelo Palmones and Henry Uri |
25 April 2017 |
PALMONES: Sec. maayong buntag sa imo, Sec. SEC. ANDANAR: Maayong buntag Congressman Angelo at maayong buntag kay Henry. URI: Good morning, Secretary. PALMONES: Abalang-abala sila Secretary Martin ngayong linggong ito, very busy. URI: Kami, mga happy kami sa Malacañang Press Corps dahil ang aming International Media Center eh five star hotel, world class. PALMONES: Teka muna, are you bragging or complaining? URI: Bragging. PALMONES: Sec., congratulations anyway for a job well done. Kahapon naglunsad din ang mga ito ng kuwan eh, ano iyong sa PNA? Anong mangyayari sa Philippine News Agency? SEC. ANDANAR: Salamat, Henry. Iyong sa Philippine News Agency, alam naman kasi natin na matagal nang napabayaan itong ahensiya na ito, even if it is the main news wire agency of our country pero – si Congressman alam niya ito. Kung papano bumaba iyong kanyang serbisyo at kung ikukumpara natin, marami akong nakausap sa ibang bansa at recently sa Bahrain, sabi nung taga-Bahrain News Agency or Gulf News Agency dati. Sabi nila, alam mo dati nag-aaral lang kami diyan sa PNA eh, pero for some reason napag-iwanan. Of course, they feel for us. PALMONES: So, ano ang bago ngayon dito sa bagong PNA, Secretary? SEC. ANDANAR: Marami tayong bago. Iyong pinakita namin kahapon, iyong magiging bagong newsroom or news central of Philippine News Agency na magkakaroon siya ng sarili niyang TV studio, kasi magkakaroon na ng newscast ang PNA, magkakaroon ng sariling digital channel at magkakaroon din ng online channel. At iyong kanyang audio studio – at makikita ninyo iyong plano, nakita nila ni Henry kahapon – it will be the newsroom of the future. Tapos bukod doon ay nag-launch kahapon ng website ng PNA. Mantakin mo the last time it was launched was 15 years ago. So talagang maintindihan mo kung bakit iyong kanyang design ay from 15 years ago dahil napag-iwanan na. PALMONES: Pati building mukhang babaguhin ninyo? SEC. ANDANAR: Oo, iyong opisina, talagang news room of the future, Congressman at Henry. At ang aking…sabi ko nga kahapon sa speech ko, sabi ko eh dumugo ang aking puso, dahil sa pag-iikot sa PNA sa mga probinsiya, nakita ko iyong kanyang computer Pentium 3, tapos ang kanilang mga Windows na mga luma pa, tapos iyong kanilang laptop isa lang, ang may-ari pa ng laptop iyong manager mismo. Alam mo napabayaan talaga. So, how do you expect to get fresh and quality news mula sa Cebu, mula sa ibang probinsya. Pero ganunpaman iyong dedikasyon ng ating mga Philippine News Agency employees ay nandoon despite the fact na bagsak. So kahapon talagang nakita naman nila ni Henry na mangiyak-iyak iyong mga kasamahan natin sa Philippine News Agency, natuwa for the first time in their lives ay napansin na iyong kanila—pero napakahalaga talaga, Angelo, ng Philippine News Agency. PALMONES: Correct. SEC. ANDANAR: Kumbaga sa ano, talaga. PALMONES: So ibabalik natin iyong wire services ng PNA? SEC. ANDANAR: Ibabalik po natin iyong wire services ng PNA. Sabi ko, iyong napansin ko doon sa Bernama News Agency sa Malaysia, akalain mo Angelo iyong kanilang… every province nila, merong sariling desk, sa Malaysia. So napakalawak ng newsroom. So, sabi ko dapat ganoon din tayo, kung hindi kasya iyong every province, kahit every region man lang meron tayo. URI: Correct, correct. So ibabalik ninyo iyong glory days ng PNA na ang central brain of communication government accomplishment and then reactions is galing sa PNA na mismo? SEC. ANDANAR: Galing sa PNA mismo. Saka alam mo kasi Henry, iyong Philippine News Agency inaasahan ito ng media men din sa probinsya at international. URI: Correct. SEC. ANDANAR: At kung napakalakas ng PNA ng mga 1970s mas kailangang palakasin ngayon, dahil mas marami tayong mga OFWs at migrants na kailangan iyong PNA. So kami ho, in fact, of all of the government and media centers or agencies ang Philippine News Agency para sa akin ang pinakamahalaga. Oo, kasi doon kukuha lahat ng balita. Hindi naman kukuha sa PTV, hindi naman kukuha sa Radyo ng Bayan. Kukuha sila doon sa neutral, doon sa Philippine News Agency, na para sa lahat ng tao. When I say ‘neutral,’ ang ibig sabihin iyong wire services kasi ay ang kanyang framework niyan ay para talaga sa lahat. PALMONES: Ako may contention ako. Noong nag-aaral ako sa kolehiyo, pangarap ko talaga ay maging bahagi ng PNA. Kasi nakikita mo iyong relevance ng PNA lalung-lalo sa paghahatid nung—ang daming magagandang development sa probinsiya hindi natin nababalitaan. URI: Pero Secretary how would you compete, lalo na ito— PALMONES: Wala naman silang intensyong makipag-compete. Magde-deliver lang ng news. URI: Siyempre ngayon alam mo naman ang social news network ngayon, di ba Secretary, alam naman natin iyang talagang napakagarbo ng internet news media ngayon. So papano ninyo ilalatag iyong medyo kapana-panabik na mga lathalain diyan sa PNA laban dito sa mga malulupit na mga social media news network. PALMONES: At saka papano natin lalabanan ang fake news. Ganoon na lang siguro. SEC. ANDANAR: Hindi ganito lang iyan ‘no. Iyong Philippine News Agency sa kanyang MOOA, sa kanyang operations, sa kanyang mga tao na nandiyan, we are all over the country kung tutuusin. We are all over, lahat, pinakasulok na bayan sa Pilipinas merong PNA stringer. Ang kailangan lang doon ay iyong retraining, ang kailangan lang doon. So ibig sabihin kung titignan mo talaga, kung ikukumpara mo nag PNA sa ibang broadcast network – hindi naman tayo nagko-compete o sa mga diyaryo – mas maraming reporter, mas maraming stringer iyong Philippine News Agency. In fact, iyong mga taga-private media, nakakapag-contribute sa PNA. So sobrang dami, so ang sa atin lang kasi diyan is to refocus good news, kung ano iyong—ang sabi ko sa kanila kung ano iyong wala sa private media, doon tayo tumira, para magamit tayo ng private media. Bakit tayo magsusulat ng mga balita na meron na iyong private media. Sabi ko, siguro iyong mga main beats lang meron tayo, pero sa mga probinsya, halimbawa sa Maguindanao, sa ARMM area, since meron tayong Salaam Television, mag-focus tayo ng kaunti sa mga balita doon sa Muslim areas para lumabas din. And then of course—it’s priority, kasi kung meron tayong 8/10 million OFWs, in that 8 to 10 million OFWs they are from all over the Philippines— URI: Teka dito ba sa ASEAN Summit, darating iyong mga counterpart ninyo sa iba’t-ibang bansa na mga Ministry of Communication po nila? SEC. ANDANAR: Hindi lahat makakarating, Henry. Iyong mga senior ministers depende ho sa mga bansa at depende schedule kung makarating. Kasi iyong sa counterpart ko, ay ang pinaka-invite talaga sa kanila ay this coming August. But then again, we still invited them. Pero ang mahalaga dito ay – siguro nakita mo naman iyong set-up ng PCOO para sa ASEAN – we really make sure, Henry at Congressman, na ang set-up natin pang-international. You know, this is very important for us, 50th anniversary ng ASEAN dito sa bansa natin hinold ang ASEAN at makikita natin na lahat ng media entity, halos lahat, more than 1,200 na iyong nag-register na mga media from all over the world. So, best foot forward tayo, makikita nila, ah kaya pala ng Pilipinas talagang makipagsabayan. Kasi di ba nung ASEAN last year pumunta naman tayo and we have been observing kung papano sila mag-operate sa abroad. So sabi ko kay Usec. Noel Puyat, sa group, kailangang mag-ano talaga tayo, kailangan ano, hindi—kailangan magugulat sila. Kasi ang GDP nasa 6.8%. Sabi ng mga foreigners, sabi ng Fitch sabi nila puwedeng pumalo ng 6.9 to 7%, so sa fastest GDP in ASIA. Kailangan ipakita natin na there is a reason why it is the fastest at iyong gagawin natin best foot forward, isa lang iyon sa mga best efforts na magpapakita sa kanila— PALMONES: Nababanggit nila iyong GDP, nababanggit mo na rin iyan. Ano iyan inilunsad ninyong Dutertenomics, is it also a part dito sa ASEAN Summit? SEC. ANDANAR: Actually iyong Dutertenomics na inilunsad namin last week, so alam n’yo naman na ito na iyong economic policy ni Pangulong Rodrigo Duterte. Iyong mamaya meron tayong Dutertenomics din Part 2, ito naman ay iyong we are catering to the international media. Kasi di ba the last time, ito iyong domestic media. Ito international media, tapos ang maganda dito, Angelo at Henry, ay halos lahat ng mga tycoons ng Pilipinas nandoon mamaya. URI: Saan iyan, Secretary? SEC. ANDANAR: Dito sa Conrad pa rin, 4:30 to 7:30. So meron pa ring domestic media na maga-attend. I think ito iyong beat ng Department of Finance. URI: Pupunta ba ang ating Pangulo? SEC. ANDANAR: Hindi nakalagay sa schedule, pero lahat pa rin ng economic team nandoon sa Conrad mamaya. So, iyong Dutertenomics is a way also [to show] the international media that we are on the right track. Sabi nga ni Cielito Habito, iyong professor at ekonomista, sabi niya ‘Dutertenomics is on the right track,’ sabi niya. URI: So iyong kuwan na lang…aasahan ng taumbayan dito sa ASEAN hong ito, pagkatapos nito anong mapupulot ng ating mga kababayan dito? SEC. ANDANAR: Pagkatapos nitong ASEAN, actually matatapos ito sa Nobyembre pa. Pero this week is very exciting, meron tayong mga senior officials meeting simula bukas, 27, 28. Tapos by the 29th ay darating na iyong mga leaders ng iba’t-ibang bansa ng ASEAN at magkakaroon ng 30th ASEAN Summit opening dito sa may PICC and then it will have mga signing ceremonies, alam n’yo na naman iyan kung ano iyong mapag-uusapan ng mga multi-lateral agreements; tapos magkakaroon ng ASEAN leaders interface kasama iyong mga ASEAN Youth; meron din iyong BIMP-EAGA – ito iyong East Asia Gateway – na ang pag-uusapan nito puro ekonomiya lang, pero ekonomiya ng iba’t-ibang miyembro ng Brunei, Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Tapos magkakaroon din ng gala night, ang sponsor dito si Pangulong Duterte of course and his wife Honeylet, tapos nandoon iyong mga leaders natin and then the next day, that will be the 30th ay nandoon tayo sa Mindanao, sa Davao with President Duterte and President Joko Widodo. By the way ito pa lang week na ito hindi lang ito ASEAN kung hindi state visit din ito ng Indonesia at ng Brunei? PALMONES: Kelan ka magda-Davao? SEC. ANDANAR: On the 30th. PALMONES: Sunday. URI: Tapos balik din. SEC. ANDANAR: Ila-launch ni President Widodo at ni President Duterte iyong roll on-roll off papuntang Indonesia. Pupunta ka ba Henry? URI: Davao, baka hindi na muna, Sec. PALMONES: Ako nasa Davao. URI: Nasa Davao is partner, si partner muna roon. PALMONES: 29 ng gabi nandoon na ako. Anyway, Sec., count us in dito sa inyong reengineering ng PNA. Kabisado natin, kilala natin iyong karamihan ng mga regional, provincial officials ng PNA. SEC. ANDANAR: Alam mo Congressman, iyong mga katulad mo, iyong mga merong extra time para tumulong—kasi nakikita mo talaga iyong ano eh, ang ganda talaga nakita in Henry eh, ang ganda ng plano for Philippine News Agency and of course we need all of the expertise of the different people, media people sa bansa natin and you are all welcome to pitch in kung ano ang puwedeng gawin. Kasi atin ito, itong PNA. Alam mo ang matutulungan nito iyong mga media men din, iyong mga media men sa mga probinsya matutulungan sila eh, mabibigyan ng trabaho. PALMONES: Actually dugay na me ga-conduct ug mga training for science and environment reporting, Sec. SEC. ADNANAR: Ay maganda iyan, sige, sige oo. PALMONES: Basta’t bakante iyong oras lang, ipagpaalam nyo lang kami kay Atty. Reg, okay kami. Thank you, Sec. Maraming salamat. SEC. ANDANAR: Salamat. Mabuhay kayong dalawa. URI: Saka baka puwede ring i-live mo na lang kami paminsan-minsan din sa PNA. PALMONES: Kailangan ninyo ng external talent ha, tawagan n’yo lang si Henry, SEC. ANDANAR: Kailangan talaga may mga newscasters. Alam mo iyong Reuters for example, iyong Xinhua News Agency, meron silang newscast di ba, may newscast sa TV, may news sa radio. Ang PNA magkakaroon na rin ng newscast sa TV at sa radio. Pero hindi naman competing halimbawa, kasi ito naman ay ibo-broadcast natin overseas. But then again kung tutulungan natin sa PNA eh para sa bayan iyon eh, hindi naman— PALMONES: Tabang me basta sa bayan. Sec, daghang salamat. Maayong buntag. URI: Sec., salamat. Good luck sa ASEAN. SEC. ANDANAR: Okay, thank you. |