Photos
PBBM holds bilateral meeting with French President Emmanuel Macron
Personal na nagkita sa isang bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Emmanuel Macron ng France ngayong araw, Nobyembre 18, sa Thailand. Napag-usapan ng dalawang lider ang pagpapaigiting ng relasyon at pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at France.
Ngayong araw ay nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang kanyang delegasyon sa Siam Cement Group (SCG), ang pinakamalaki at pinakamatagal na kumpanya sa Thailand at Timog-Silangang Asya pagdating sa semento at iba pang materyales para sa pagtatayo ng mga gusali.
Tinalakay sa business meeting ang kasalukuyang negosyo ng SCG sa Pilipinas at ang plano nitong palawakin pa ang serbisyong ibinibigay para suportahan ang mga proyektong imprastruktura ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
Matapos ang kanyang partisipasyon sa ika-29 na APEC Summit, binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at mga miyembro ng Philippine delegation ang mga Pilipino sa Bangkok, Thailand ngayong araw, ika-19 ng Nobyembre.
Pinasalamatan ng Pangulo ang mga OFW sa Thailand dahil sa pagpupursigi nila sa kanilang trabaho na nagpapatingkad sa pangalan ng Pilipino at sa suportang ibinibigay nila sa pamahalaan.
Ibinahagi ni PBBM ang mga plano ng pamahalaan sa iba't ibang sektor ng bansa at nangakong tuloy-tuloy ang serbisyong ibibigay ng kanyang administrasyon na sesentro sa pangangalaga ng kapakanan ng mga OFW sa buong mundo.
Humarap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media para ibahagi ang resulta ng kanyang pakikilahok kasama ang delegasyon ng Pilipinas sa tatlong araw na APEC Summit sa Bangkok, Thailand.
Kabilang dito ang mga naganap na bilateral meeting ni PBBM kasama ang iba't ibang world leaders na naging daan sa mga oportunidad tungo sa pagpapayabong ng ugnayan at ekonomiya ng Pilipinas.
Binigyang-diin din ng Pangulo na nananatiling isinasabuhay ng kanyang administrasyon ang prinsipyong “friend to all, enemy to none” sa kanilang pagdalo sa APEC.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang delegasyon ng Pilipinas sa pagharap sa mga kilalang business leaders ng Thailand sa isang roundtable meeting sa Bangkok.
Naging mahalagang pagkakataon ito sa bansa para ipakita na magandang destinasyon ng kalakalan at pamumuhunan ang Pilipinas.
Dumalo rin sa naturang pagpupulong ang mga miyembro ng APEC Business Advisory Council – Philippines at iba't ibang opisyal ng mga kumpanya sa Pilipinas na may presensya rin sa bansang Thailand.
Australia Prime Minister Anthony Albanese on Saturday lauded the Philippines and Australia's good economic and people-to-people relations in his historic meeting with President Ferdinand R. Marcos Jr. in Bangkok.
Tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-29 na APEC Economic Leaders' Meeting Retreat Session 2 ang mga paksa tungkol sa climate change, circular economy, at food security. Hinikayat din ng Pangulo ang mga kasaping bansa ng APEC na magtulungan dahil na rin sa malaking oportunidad ng rehiyon na manguna sa isang mapayapa, masagana, at matibay na pandaigdigang ekonomiya.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Prime Minister Jacinda Ardern sa huling araw ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand ngayong araw, ika-19 ng Nobyembre.
Kabilang sa mga paksa at usapin na tinalakay nina PBBM at Prime Minister Ardern ay ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan, seguridad at pagtataguyod sa karapatan ng mga overseas Filipino workers.
Kaugnay nito, pinuri ni PM Ardern ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa kanilang bansa at inihayag na ang mga ito ay isang mahalagang parte ng lipunan sa New Zealand.
Nagpatuloy ang mga pagpupulong ng mga lider ng mga kasaping bansa ng APEC sa Bangkok, Thailand ngayong Biyernes sa isang working lunch. Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng APEC sa mga partners nito sa pagtalakay at pag-aksyon sa mga isyu ng rehiyon.
PBBM holds bilateral meeting with Saudi Arabia’s Crown Prince and Prime Minister Mohammed bin Salman
President Ferdinand R. Marcos Jr said Friday he looks forward to receiving Saudi Arabia's Crown Prince and Prime Minister Mohammed bin Salman in a visit to the Philippines to discuss with him a wide range of issues and areas of cooperation.