Photos
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Prime Minister Jacinda Ardern sa huling araw ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand ngayong araw, ika-19 ng Nobyembre.
Kabilang sa mga paksa at usapin na tinalakay nina PBBM at Prime Minister Ardern ay ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan, seguridad at pagtataguyod sa karapatan ng mga overseas Filipino workers.
Kaugnay nito, pinuri ni PM Ardern ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa kanilang bansa at inihayag na ang mga ito ay isang mahalagang parte ng lipunan sa New Zealand.
Nagpatuloy ang mga pagpupulong ng mga lider ng mga kasaping bansa ng APEC sa Bangkok, Thailand ngayong Biyernes sa isang working lunch. Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng APEC sa mga partners nito sa pagtalakay at pag-aksyon sa mga isyu ng rehiyon.
Personal na nagkita sa isang bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Emmanuel Macron ng France ngayong araw, Nobyembre 18, sa Thailand. Napag-usapan ng dalawang lider ang pagpapaigiting ng relasyon at pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at France.
PBBM holds bilateral meeting with Saudi Arabia’s Crown Prince and Prime Minister Mohammed bin Salman
President Ferdinand R. Marcos Jr said Friday he looks forward to receiving Saudi Arabia's Crown Prince and Prime Minister Mohammed bin Salman in a visit to the Philippines to discuss with him a wide range of issues and areas of cooperation.
Sa ginanap na APEC Leaders' Informal Dialogue ngayong araw, ika-18 ng Nobyembre, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahalaga ang multilateral trading system at ang papel na ginagampanan ng World Trade Organization. Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagkakaisa ng mga lider sa rehiyon para sa mga ilalatag na hakbang tungo sa malaya at tuloy-tuloy na daloy ng kalakalan, produkto at serbisyo ng halos 2.9 bilyon na tao sa rehiyon. Ipinarating din ni PBBM sa pulong ang nagiging epekto ng climate change sa supply chain system ng Pilipinas kaya naman agresibo ang pamahalaan sa paglalaan ng pondo para paunlarin pa ang mga imprastraktura, proyekto, at programa bilang tugon sa suliranin na ito.
Dumating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-29th APEC Economic Leaders’ Meeting Retreat Session ngayong araw, ika-18 ng Nobyembre sa Bangkok, Thailand. Sa kanyang pagdalo ay nakasalamuha niya ang iba pang mga pinuno partikular na si Prime Minister Prayut Chan-o-cha ng Thailand.
President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Louise Araneta-Marcos joined economic leaders at the Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)-Economic Leaders Meeting (AELM) gala dinner in Bangkok, Thailand.
President Ferdinand R. Marcos Jr. expressed elation Thursday after concluding a bilateral meeting with President Xi Jinping in Thailand, his first meeting with the Chinese leader.
Nakilahok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panel discussion kaugnay sa pandaigdigang ekonomiya at kinabukasan ng APEC sa Bangkok, Thailand ngayong Huwebes ng umaga. Sa kanyang paunang pahayag, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor para matugunan ang mga epekto ng pandemya, mga kaguluhan sa ibang parte ng mundo, at climate change. Sinamahan ng Pangulo sa entablado sina World Economic Forum Founder and Executive Chairman Professor Klaus Schwab at PricewaterhouseCoopers International Limited Global Chairman Bob Moritz.