Ikinagagalak kong ipabatid sa ating mga mananakay na libre ang sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 bukas, Disyembre 20, 2024.
Tinatayang aabot sa 1.1 milyong pasahero ang sasakay sa mga linyang ito—ang pinakamataas na ridership na naitala ngayong taon.
Ang inisyatibong ito ay isang simpleng paraan upang maibsan ang gastos ng ating mga kababayang abala sa paghahanda para sa Pasko. Nawa’y magdulot ito ng ginhawa at maramdaman ng lahat ang malasakit ng pamahalaan ngayong kapaskuhan.
FERDINAND R. MARCOS JR.
PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES