SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Simulan po natin ang briefing natin ngayong Lunes sa pagbibigay ng COVID-19 update.
Pumalo na po sa mahigit tatlumpung libo – 30,052 – ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Patuloy naman po ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling: kahapon, may naiulat na 243 recoveries; ang sumatotal ngayon ay mayroon na po tayong 7,893 recoveries. Nananatili namang mababa ang mga binawian ng buhay nang dahil sa virus, may labinsiyam ang naiulat na namatay kahapon; ang sumatotal po ay 1,169 deaths.
Ang mga sumusunod na infographic ang magpapaliwanag kung bakit tumaas ang mga bilang ng COVID-19 sa ating bansa at nagpapatunay naman po na tayo po ay nag-i-improve pagdating dito sa laban sa COVID-19. Tingnan po natin itong epidemic curve na adjusted for late reporting. Makikita ninyo po dito na ang mga kaso po, bagama’t bahagyang tumataas sa pamamagitan po noong tinatawag na 7-day average at ito po iyong green line, eh pababa na po ngayon ‘no.
Ang susunod naman po na ating graph, ito po iyong red line po, iyan po iyong mga daily positivity rate. Iyan iyong sinasabi ko po na sa lahat ng mga tini-testing, kung ilan iyong mga nagpopositibo; at iyong blue line naman po ay iyong mga number of test na nagagawa natin. So makikita ninyo po na ang number of test ay tumataas, mahigit 10,000, pero ang ating positivity rate po ay nasa 5%. Lima lamang po sa 100 na tini-testing ang positibo sa COVID.
Ito po iyong deaths over time, at makikita ninyo po doon sa pulang linya na malinaw na malinaw naman po na pababa po iyong mga namamatay overtime at patuloy pa rin pong bumababa, bagama’t kahapon mayroon pong bahagyang pagtaas.
Now, ito po ang importante, kasi ang sabi po natin, ang talagang dapat tingnan natin ay kung gaanong kabilis ang pagkalat ng sakit ‘no, iyong tinatawag na case doubling rate.
Now, dalawang linya po ang dapat tingnan ninyo rito: Iyong blue at saka iyong medium na black. Mayroon pong arrow na red iyong blue line at mayroon pong arrow na green, iyong medium black broken lines.
Now, ang pinapakita po ng blue ay ito po iyong mga kaso ng COVID, at iyong light na broken line naman po na straight ay seven days. So makikita po ninyo na iyong blue line ngayon at saka iyong 7-day doubling time ay nagtutugma na po, nagkaroon na sila ng meeting. Ibig sabihin, nationally po ang ating case doubling rate ay seven days at iyong ating mga klasipikasyon pong iyan eh kapag umabot po ng seven days, iyan po ay GCQ.
Now, tingnan naman po natin iyong ating critical care utilization rate: Iyong ating ICU beds, 34% lang po ang occupied nationally; iyong ating isolation beds, 37% lang po ang occupied; ang ating ward beds, 35% occupied; at iyong ating mechanical ventilators ay 19% occupied; ang ating total bed capacity po ngayon ay 13,108.
Now, ito po ang mga datos naman sa Cebu City. Mayroon po tayong 3,546 na mga kaso dito po sa Cebu City at iyong huling pagpupulong nga po ng IATF, napagkasunduan na bibigyan po talaga ng partikular na atensiyon ang Cebu City. Ano pong mga gagawin natin para sa Cebu City? Well, ito po ang mga naaprubahan noong Sabado: Unang-una po, magkakaroon po ng evaluation ng NTF, ng ground level response ng Cebu City LGUs for one week starting today, 22 June 2020. Maglalagay din po ang NTF ng emergency operation center at magde-designate po tayo ng isang Visayas Deputy Implementer for Region VII and the entire Visayas.
Now, ang tanong po: Bagama’t ang ating case doubling rate po ay seven days, ang ating case utilization rate ay nasa 35%, iyong critical care utilization rate natin ay nasa 35%; at nakikita naman natin na iyong mortality natin ay bumababa, pero ang totoo po, siyempre iyong sumatotal ng mga nagkakasakit ay tumataas. Hindi naman po nakakapagtaka ito. Bakit po ‘no? Ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay hindi lang po sa Pilipinas. Ayon sa World Health Organization, at iko-quote ko sila: “The world is in a new and dangerous phase. The pandemic is accelerating, more than a hundred fifty thousand (150, 000) new cases of COVID-19 were reported to WHO last June 18, 2020, the most in a single day so far.”
Kaya nananawagan akong muli sa ngalan ng ating Presidente sa ating mga kababayan: Magsuot ng face mask or face shield, practice social distancing, maghugas ng mga kamay, gumamit ng mga disinfectant, manatili sa bahay at laging maging homeliners kung wala namang mahalagang gagawin sa labas ng bahay. Nandiyan pa rin po ang virus at habang walang bakuna at gamot, huwag magpakampante po.
May mga pumuna po sa ating istratehiya ng IATF na ilagay ang buong Luzon sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ noong Marso: May nagsabi, it did more harm than good daw lalo na raw sa larangan ng ekonomiya; overkill daw ang IATF solution; tinawag pang ‘militaristic’; takot daw po ang pinairal ng IATF. Isang pananaw lang po iyan at ito ay aming nirerespeto.
Ngunit may ibang pananaw naman po ang nagsasabing ito po ay nakabuti sa buong bansa. Mismong ang World Bank, ayon kay Secretary of Finance Carlos Dominguez, sa kaniyang pagpupulong sa mga opisyal nito ang nagsabing pinuri ng World Bank si Presidente Rodrigo Roa Duterte dahil isandaang libong buhay ang nailigtas dahil sa decisiveness ng Pangulo. Kung hindi daw tayo nag-lockdown noong tayo ay nag-lockdown, 100,000 na po dapat daw ang namatay.
Let me state for the record that the economic team is always present and even developed the decision framework to decide on the balance of health and economy. There was a careful decision making process that was undertaken to decide on the ECQ and GCQ movement.
Totoo na maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang maraming negosyo, nangyari po iyan sa buong daigdig. Kaya nga po binigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng Social Amelioration Program ng DSWD, iyong ayuda ‘no, iyong Small Business Wage Subsidy para sa small and medium enterprises at saka iyong COVID-19 Adjustment Measures Program ng DOLE at Finance Subsidy to Rice Farmers ng DA at iba pang mga ayuda.
Pangalawa, ayon po sa Singapore-based Toluna-Blackbox Index of Global Crisis Perceptions na una ninyong narinig sa briefing na ito, ang index score ng Pilipinas sa COVID-19 response ay may mas mataas – mas mataas po ang ating grado kumpara sa Australia, Germany, USA, UK, Mexico, Italy, Thailand, Iran, France and Japan. Siguro naman po, sang-ayon sa survey, hindi po nagkamali ang inyong IATF at ang ating Pangulo.
Pangatlo, mahigit walo sa sampung Pilipino or 84% ang nagsabi, ang strict stay at home measures ay worth it para maprotektahan ang mamamayan at makontrol ang pagkalat ng coronavirus. So naghusga na po ang taumbayan, tama daw po ang ginawa nating lockdown. Hindi tulad ng mga ibang bansa, sa ating populasyon na 109 million, we have limited deaths of around 1,000. Karamihan ng mga Pilipino na mismo ang nagsabi, sang-ayon sila sa lockdown na ipinatupad ng gobyerno.
Again, let me put on record that conservatism is important at this point of pandemic because lives matter; and as the SWS survey shows, people agree at staying at home.
Hindi po takot ang ginamit – siyensiya po, mga datos na nagligtas ng libu-libong buhay. Our efforts are showing results. Sa ngayon, maraming bahagi ng Pilipinas ay nasa GCQ o sa mas relax na MGCQ.
Sa tulong ng Kongreso, ang administrasyon ay nagtatrabaho na maipasa ang isang recovery program na magbibigay suporta sa mga SMEs at mga manggagawa, kasama na rito ang cash-for-work program, emergency subsidy, wage subsidy, credit guarantee, low interest and subsidized loans and loan guarantees.
Tulad ng nabanggit ni Secretary Tugade—pumunta naman po tayo sa ibang usapin, na usaping transportasyon. Kagaya ng sinabi po ni Secretary Tugade noong siya ay naging resource person natin dito sa ating press briefing, ngayong June 22 po, ipatutupad na po ang second phase ng public transportation operation services on the road sector.
Kung inyong matatandaan, may sinusunod po tayong hierarchy of public transport modes – trains, buses, modern PUVs, UV Express at traditional jeepneys.
Pinayagan na po ng LTFRB na mag-operate simula ngayong araw ang 308 modern public utility jeepney units sa mga sumusunod na ruta na makikita ninyo ngayon po sa ating infographics. Napakadami po, kaya pakitingnan na lang. Now, madadagdagan pa po ito ng labingsiyam na ruta sa Miyerkules at Biyernes.
Samantala, inaasahan na balik-operasyon na po ang UV Express ngayong buwan ayon sa DOTr; hindi nga lang po ngayong araw na ito.
Sa ngayon, mayroon na tayong 30 out of 31 new city bus routes, at inaasahang malapit ng mabuksan ang rutang Cubao-Doroteo Jose.
Ang hierarchy of public transport will be observed. Una nating gagamitin ay ang mga modern PUVs, pagkatapos ang UV Express, pagkatapos ang traditional jeepney. Hihintayin ang full deployment ng modern PUVs bago ang UV Express. Once fully deployed at kulang pa rin ang supply, we will consider deploying traditional jeepneys.
Pumunta naman po tayo sa napakainit na isyu ng back riding. Uulitin ko po ang sinabi ko noong Sabado: Pinag-aaralan ng IATF na payagan ang back riding ng private motorcycles subject to health and safety protocols. Kaya po walang Angkas or iba pang taxi service kasi wala po silang prangkisa, kinakailangan muna silang kumuha ng prangkisa sa Kongreso at natapos na po iyong testing period o pilot study.
Hindi na po pupuwede ang kinagawian. Tayo po ay patungo sa new normal. Makikita ninyo po sa infographic ang mga sample prototype. Iyang unang prototype po na iyan, iyan po ay design ni Bohol Governor Arthur Yap. Let us call it, “The Arthur Yap Shield”. Ang next po ay—wala na pala. Hindi ninyo na ipinakita iyong iba. Sayang, akala ko ipapakita ninyo lahat ‘no. Hindi po kasali rito iyong mga motorcycle taxis gaya ng aking sinabi sa kadahilanan na na-expire na po ang pilot study noong Abril.
Isinumite naman po ng DOTr ang kanilang rekumendasyon sa Mababang Kapulungan, hintayin na lang po natin ang magiging desisyon ng ating mga mambabatas.
Tungkol naman po sa operasyon ng mga provincial buses. Masusi pa pong pinag-aaralan ng LTFRB at ng IATF alinsunod sa guidelines na inilabas ng IATF COVID Shield. Kasama sa pinag-aaralan ay kung paano maipatutupad ang social distancing at contact tracing pati na rin ang koordinasyon sa LGUs kung sakaling balik operasyon na ang mga provincial buses. Sa ngayon po, wala pang provincial buses.
Mag-report naman po tayo ngayon tungkol dito sa second tranche ng Social Amelioration Programs, ayuda. Mayroon na po tayong 1.3 million na 4Ps beneficiaries with cash cards sa mga ECQ areas ang nakatanggap ng second tranche ng SAP ayon po sa DSWD. Nabigyan na rin po ang waitlisted beneficiaries sa Baguio City at Benguet. Nagkaroon naman ng payout sa La Union kahapon. Inaasahan po na karamihan po ng mga pag-transfer sa electronic means ng second tranche ng ayuda ay gagawin itong linggong ito.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon at pumunta na po tayo sa mga tanong ng ating mga kasama dito sa Malacañang Press Corps. Unahin po natin si Joyce Balancio ng ABS-CBN.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary. Follow up lang po doon sa sinabi po ninyo na iyong case doubling rate natin ngayon nationwide ay nasa seven days from, I believe before nabanggit ninyo, ten days lang po iyon; and iyong care utilization rate natin ay nasa 35%. Given these numbers, do we expect na mas luluwag pa po iyong community quarantine natin after June 30 especially when you also said before ang NCR ay nasa borderline tayo ng MGCQ? Bigger chances na ba na maka-graduate na tayo sa MGCQ after June 30?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam kasi hindi pa tapos ang datos at marami pa naman pong araw ang lilipas pa bago matapos ang buwan na ito. Pero ang tinitingnan po talaga natin ay iyong case doubling rate, dapat iyan ay seven para po maging GCQ, at least ‘no; at tinitingnan din natin iyong critical care capacity.
Hayaan ninyo po, patuloy pong binabantayan natin ang datos. Pero uulitin ko lang po, siyensiya at datos po ang magdi-determine kung tayo po ay pupunta sa MGCQ or babalik sa MECQ.
JOYCE BALANCIO/DZMM: On public transportation, Secretary. Ang IBON Foundation ay mayroon po silang statement na expressing concern dito po sa paggamit ng modernized jeepneys. Ang sabi po nila ay open air traditional jeeps are likely safer than air-conditioned modernized jeepneys kasi may possible exposure daw po ang mga pasahero sa airborne coronavirus infection. May mga pag-aaral daw po kasi na kapag in closed spaces at iyong mga small cap droplets ay puwede daw mag-stay on air itong virus particles especially kapag poorly ventilated ang isang lugar.
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung anong kuwalipikasyon ng IBON para magbigay ng ganitong conclusion. Pero ang ordinaryong mamamayan po alam naman na kapag harapan talaga ang upuan ay talaga namang mas mataas iyong tiyansa na magkahawaan kaysa iyong lahat ay nakaharap sa isang direksyon lamang.
Pero gaya ng aking sinabi po sa ating briefing kanina, may hierarchy po tayo sa public transport at nasa baba po ang mga jeepneys. Kung kulang naman po ang supply ng bus, ng modern jeepney ay ikukunsidera naman po natin ang paggamit ng mga jeepneys. At sa mga probinsiya nga po, may mga ilang probinsiya na gumagamit ng jeepneys kasi wala talagang mga bus sa mga lugar na iyon.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo, kumbaga napag-aralan naman po nanng maigi na safe naman pong gamitin ng ating mga commuters itong modernized jeepneys despite iyong mga ganitong napupuna ng ibang mga grupo?
SEC. ROQUE: Opo kasi nakaupo na sila sa isang direksiyon ‘no, lahat na kaharap lamang at mayroong social distancing. Para rin po iyang bus.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na lang po from me, Secretary. Kanina lang po sa Laging Handa public briefing, na-interview po si PhilHealth President Ricardo Morales, and sabi po niya ay premature pa raw po magkaroon ng meeting with President Rodrigo Duterte without any solution at hand. He also denied na mayroon pong 154 billion na pondo na nawawala sa ahensiya at wala daw pong sindikato sa loob ng PhilHealth na engaged sa defrauding activities. What can you say about this, Secretary?
SEC. ROQUE: Iwan na lang natin iyan at hayaan na natin ang taumbayan ang maghusga, at bahala na po si Presidente diyan sa isyung iyan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: But will you still push through with the meeting with the President and PhilHealth President Morales, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, ngayong alam kong ayaw na niyang makipag-meeting, siguro iyong mga gusto lang makipag-meeting sa loob ng PhilHealth ang makikipag-meeting kay Presidente.
Thank you, Joyce. Usec. Rocky?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, sir.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Dalawa ang tanong ni Bella Cariaso pero iyong ikalawa niyang tanong ay natanong na po ni Joyce Balancio about iyong possible MGCQ na sa gitna po ng pangamba ng ilan sa atin dahil sa mataas na datos.
Ito po iyong una niyang tanong: Umabot na ang COVID cases sa bansa na more than 30,000 and with the current figures, hindi raw talaga malayo na ma-reach iyong UP experts’ estimate na 40,000 COVID cases at the end of the month. Despite po sa alarming figures, wala ba daw pong balak ang government to rethink iyong ginagawang pagri-relax sa mga restrictions?
SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko kanina, iyan po ay subject to evaluation on the basis of case doubling rate at saka iyong critical care capacity. At maaga pa naman po, bente uno pa lang ng buwan ngayon. Tingin ko po, sa mga darating na araw, kukunin ang datos at saka magbibigay po ng rekumendasyon ang IATF.
Pero importante po na bagama’t tumataas ang kasi, ang batayan po natin ay iyong kakayahang magbigay ng lunas o ng medical care sa mga kritikal na magkakasakit at saka iyong pagkalat ng sakit.
Trish Terada of CNN Philippines, please. Okay, kung wala pa si Trish, si Usec. Rocky again.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose ng Remate/Remate Online: Ngayon pong araw ang balik-biyahe ng ilang piling public utility jeepneys, may 308 modern jeepneys po ang pinayagan ng LTFRB. Pero ang hiling po ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan ay huwag daw pong i-phase out ang traditional jeepney sa gitna ng coronavirus pandemic. Ano po ang reaksiyon ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: Kagaya ng sinabi ko po kanina, may hierarchy po tayo ‘no, at titingnan natin kung magiging sapat ang mga bus, ang mga bagong jeepneys at iyong mga UV express at kung kulang naman ay pupuwedeng gamitin pa rin ang mga jeepney. Hintayin na lang po natin ang evaluation ng LTFRB.
USEC. IGNACIO: [Unclear] Malacañang sa usapin na ginamit diumano ng pamahalaan ang sitwasyon ng COVID-19 pandemic bilang oportunidad para daw po maipatupad ang kotrobersiyal na jeepney modernizations program?
SEC. ROQUE: Well, ang nangyari naman po talaga, habang tayo ay nasa ECQ wala po talaga tayong pampublikong transportasyon na pinayagan at ngayong nagbubukas po tayo ng bahagya at ng ating ekonomiya, unti-unti naman po nating binabalik ang mga public transportation. Siguro ang naging desisyon ay dahil makakabuti ang jeepney modernization program ipatupad ngayon, na tayo po ay bahagyang pinapayagan ang iba’t-ibang klaseng public transportation na bumiyahe muli.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, today po iyong ika-100th day since simula noong unang inimplementa po iyong quarantine measures sa Metro Manila at ika-100th day naman po pagdating ng Wednesday sa Luzon-wide quarantine. So, hihingi lang po kami ng assessment, ano po iyong tingin ng gobyerno na naging magandang nangyari po. I think nabanggit na po ninyo kanina iyong sa statement ninyo. Pero, sir at this point we would also want to know, saan po kaya iyong point for improvement pa and bakit daw po hindi pa natin naa-achieve iyong goal na completely ma-flatten iyong curve?
SEC. ROQUE: Doon sa una mong tanong, sang-ayon nga sa obserbasyon ng mga taga-World Bank kay Secretary Dominguez, we probably saved 99,000 lives, dahil mahigit-kumulang isang libo lang ang namamatay dito sa ating bayan. Ikumpara po ninyo iyan sa Estados Unidos, sa Spain, sa Italy, talagang makikita naman po ninyo na napakadaming buhay ang naisalba dahil sa ating ECQ.
Pangalawang tanong mo ay … Trish, ano iyong pangalawang tanong mo?
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Iyong points of improvement, ano po iyong nakikita po na puwede natin gawin, especially, hanggang ngayon ay hindi pa napa-flatten iyong curve?
SEC. ROQUE: Well, sa totoo lang po, nagagalak din tayo na bumababa iyong mga namamatay, ibig sabihin dumadami iyong mga gumagaling, so parang naging mas mahusay tayo sa pag-aalaga – iyong mga nagkakasakit ng COVID-19. Siyempre ang gusto talaga nating makita zero transmission, pero malayo pa po tayo doon dahil napakadami ngang kaso na nare-report every day. So, ang ating pakiusap, dahil wala naman po talagang gamot diyan, wala pang bakuna – manatiling malusog, manatiling malinis, social distancing, pagsuot po ng mga masks.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, saan po kaya nagkakaroon ng problema kung bakit hindi pa po natin naaabot iyong pag-flatten ng curve after about 90 days. Kumbaga sa pagsunod po ba ito or sa implementation. Where does the IATF see the problem lying po?
SEC. ROQUE: Well, maraming mga dahilan iyan, pero isa na dapat talaga nating aminin ay iyong population density. So, maraming lugar sa atin na talagang napakahirap mag-social distancing dahil kulang talaga ang espasyo. Kung titingnan ninyo iyong mga bansa na zero transmission, New Zealand – kakaunti lang ang population nila, malaki ang kanilang lupa – hindi po ganiyan ang kaso ng Pilipinas. Pero ganoon pa man ay haharapin po natin ang paghamon at alam ko naman ang mga Pilipino kapag nahamon ay talaga namang gagawin nila ang lahat ng magagawa nila, lalung-lalo na kung ang nakasalalay dito ay buhay nila at ng kanilang mga mahal sa buhay. Kaya po natin ito.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, on the 25th magi-expire na po iyong “We Heal as One Act”. I understand, tama po ba, magpapatawag pa po ba o hindi na po magpapatawag ng special session for either extension or para po naman sa bagong batas po?
SEC. ROQUE: Well, kagaya ng nasabi ko na po sa mga nauna nating press briefing nakikipag-ugnayan po ang ating Department of Finance at ang economic team natin sa parehong kapulungan ng Kongreso para po plantsahin iyong isang stimulus package at saka iyong renewal ng emergency powers. Kapag naman po naplantsa iyan wala naman pong problema ang patawag ng special session, lalung-lalo na puwedeng maging virtual sessions of Congress naman po iyan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So bale po, sir, after June 25, magkakaroon pa po ba ng final report si President sa Monday or ngayong Monday na po iyong magiging huling report ng Pangulo to the Congress?
SEC. ROQUE: Magkakaroon pa po ng final report after the 25th.
USEC. IGNACIO: Tanong mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror pero natanong na po ni Trish iyong tungkol sa apela doon sa Bayanihan to Heal as One Law na possible extension. Ito po iyong follow up naman niya sa inyo, Secretary: Kung may schedule na po iyong meeting ni
possible meeting?
SEC. ROQUE: Mamaya po siya ay maghahanda ng kaniyang talumpati sa taumbayan natin at may mga ilang mga miyembro po ng gabinete at IATF ang mapapasama dito. Pero itong linggo po ay 36th ASEAN Summit, so ito po ay talagang a big event for all the countries of ASEAN, at magaganap po ito itong linggong ito. So busy po si Presidente sa ASEAN Summit, itong linggong ito; at mayroon pa po siyang schedule na bibigyan niya ng pugay iyong mga nagbuwis ng buhay laban sa mga terorista sa Mindanao po.
USEC. IGNACIO: So, Secretary, wala pa pong schedule daw ng meeting ni President Duterte with PhilHealth officials?
SEC. ROQUE: Wala pa po, wala pa at mungkahi ko lang po iyan. Dahil ayaw naman ni President Morales makipagpulong, siguro ayaw na rin ni Presidente.
USEC. IGNACIO: Huling tanong ni Sam, may authorization na po kayang inilabas si Presidente Duterte for PITC to import rice?
SEC. ROQUE: Sinigurado ko po – wala pa pong authorization.
MARICEL HALILI/TV 5: Sir, about po doon sa Balik Probinsiya and Hatid Tulong Programs. So far sir, do you see any lapses on the part of government agencies implementing these programs, considering na iyong mga local officials po sa Eastern Visayas expressed concern because of iyong mga cases ng COVID doon sa area nila na allegedly eh nanggaling daw po doon sa mga programa na iyon. I understand that the government is planning to review the program. But what will happen to these programs habang ongoing po iyong review. I know that Balik Probinsiya is now suspended, but how about the Hatid Tulong?
SEC. ROQUE: Okay, tatlo po kasi iyan eh: Hatid Probinsiya ng mga OFW; Hatid Tulong para sa mga stranded individuals at Balik Probinsiya na programa po ng gobyerno na sinimulan po ni Senator Bong Go – siguro po, wala namang lapses, ang mayroon po tayo, kakulangan ng testing kits.
Napakadami po kasing mga OFWs na umuuwi. Sang-ayon sa huling ulat po ni Secretary Bello, mahigit-kumulang 54,000 na mula noong Mayo ang nakauwing mga OFWs. Naubos po, o talagang sila po ang gumagamit ng mga testing kits natin na PCR at hindi naman tayo pumapayag na rapid test kits lamang. So, pero itong mga darating na panahon nga po, sabi ni Secretary Galvez, dumating na iyong binili natin, na kung hindi ako nagkakamali, eight (8) million na testing kits o parating pa lamang at kapag dumating na ito, mabibigyan na po natin ang lahat ng uuwi sa kanilang probinsiya ng PCR test. Pero tingin ko naman po hindi lapse iyan, kung hindi napakadami lang talagang umuuwing mga OFWs dahil hindi naman natin inaasahan na napakarami talagang mawawalan din ng trabaho sa abroad.
MARICEL HALILI/TV 5: So ibig pong sabihin po, sir, kumbaga magkakaroon tayo ng bagong protocol na lahat ng mga magiging part ng programs na ito maga-undergo ng RT-PCR test?
SEC. ROQUE: Opo, iyan ang ating gustong mangyari. Dahil nga po sa kakulangan, iyong mga stranded individuals pinakuha lang ng mga health certificates at pagdating doon sa lugar na uuwian nila, kung mayroong PCR test capability, ipi-PCR sila. At kung wala naman 14-day quarantine. Wala naman pong masama sa 14-day quarantine dahil kapag ikaw ay mayroon talagang sakit, eh basta ikaw ay mag-quarantine, gagaling ka naman po kung hindi naman seryoso iyan at hindi ka na makakahawa matapos po iyong 14-day quarantine.
So, siguro nagpa-panic lang iyong ilang mga LGUs natin kasi dati wala silang COVID case. Pero wala naman pong problema, maski magkaroon kayo ng COVID case, eh i-quarantine ninyo lang at i-isolate at gamutin – hindi naman po problema iyan.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, iyon pong mga OFWs na kasama po doon sa mga death sa Saudi Arabia, I understand 50 of them died because of COVID and wala na raw pong plano ang government na ibalik dito, so ipapalibing na sa Saudi. But what’s the plan of the government pagdating po doon sa pamilya noong 50 OFWs?
SEC. ROQUE: Siyempre po kung ano iyong dapat maibigay sa kanila, iyong mga OWWA benefits, sisiguruhin po natin na makukuha noong singkwentang ililibing na po sa Saudi Arabia.
Alam ninyo po, iba talaga ang protocol sa Saudi Arabia dahil iba ang pananampalataya nila, dito sa Pilipinas diretso po tayo sa cremation kapag COVID. Wala pong cremation yata sa mga Muslim na bansa kaya kinakailangan ilibing. Pero iyong mga iba po na pupuwedeng maiuwi, magcha-charter po ang gobyerno ng tatlong eroplano para maiuwi iyong two hundred plus na mga labi ng ating mga kababayan.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lang po. When do we expect po na maibabalik iyong mga natitira po na labi and ano po iyong naging reason bakit po naipon iyong ganoon kadami sa Saudi?
SEC. ROQUE: Well, pinakamarami po talagang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Saudi Arabia, so talagang marami po talaga sila diyan at iyong two hundred siguro kaya marami iyan dahil that’s the biggest destiniton of our OFWs.
Now, hindi naman po naaantala kaya lang dahil sa pananampalataya po ng mga Muslim kinakailangang ilibing kaagad kaya 72 hours lang ang ibinigay sa atin. I understand na mayroon pong usapin na nagaganap din sa panig ni Sec. Locsin at ng kaniyang counterpart kung pupuwede pa tayong mabigyan ng kakaunting panahon kasi hindi naman ganoon kabilis iyong pag-charter ng mga eroplano; pero gagawin po natin iyan sa lalong mabilis na panahon.
Maraming salamat.
MARICEL HALILI/TV5: Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Thank you. Balik tayo kay USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: From Rose Novenario of Hataw. Ano daw po ang pahayag ng Palasyo kaugnay sa reaksyon ng netizens sa paninisi ni DILG Sec. Año sa mga mamamayan sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa?
SEC. ROQUE: Well, pauli-ulit naman po nating sinasabi, habang walang bakuna, habang walang gamot, nasa kamay po natin ang ating kaligtasan dito sa COVID. Kinakailangang sumunod po tayo sa mga health protocols otherwise talaga pong dadami ang COVID sa ating bayan.
So, nakikiusap lang po para po sa ating kalusugan, social distancing; manatili sa bahay; good hygiene.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Rose ng Hataw. Ayon sa netizen, mahigit tatlong buwan na ang nakalipas at sa kabila daw po ng bilyones na pondo, bakit walang konkreto at detalyadong aksyon ang pamahalaan? Anila, na-realize na po ba ng Palasyo na ang problema ay public health kaya ang solusyon ay public health at hindi military?
SEC. ROQUE: Wala po tayong military solution na ginagawa. Ginagamit lang po natin iyong kakayahan at saka karanasan ng ating mga military official para po iparating nga iyong public health solutions sa lalong mabilis na panahon sa ating mga kababayan.
Sa tingin ko, kung walang ginagawa ang gobyerno eh hundreds of thousands na po ang namatay gaya sa ibang bansa. Tingnan ninyo po ang kaso ng Brazil, hindi po sila naniwala na kinakailangan ng social distancing, number two na po sila sa daigdig.
Tingnan ninyo po ang nangyari sa Amerika, hundreds and thousands na po ang namatay dahil maraming mga state sa kanila hindi rin naniwala sa social distancing. At siyempre, mga ilang mga bansa gaya ng Inglatera eh medyo late na po sila nag-lockdown, so napakadami rin po ng mga namamatay.
So, ang solusyon po natin is a public health solution. Ano po iyong public health solution? Social distancing; being homeliners; pagiging malusog at proper hygiene.
Joseph Morong?
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, doon muna kay Sec. Duque. Sen. Gordon said that many are after his position because maraming pera daw sa DOH? Would you agree to that statement?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam at wala po akong nalalaman na kahit sinong nagnanasa maging Secretary of Health ngayon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa ATB. Where is the President at with regard to the Anti-Terror Bill or will he just allow or will just wait for this Bill to lapse into law?
SEC. ROQUE: Thirty days naman po iyan at matagal pa iyang thirty days na iyan. Hayaan muna nating pag-aralang mabuti ng lahat ng mga opisina dito po sa Malacañang.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, may comments si Justice Carpio, sir, na some of the provisions are unconstitutional doon sa ATB particularly iyong warrantless detention na it’s just allowed under Martial Law. Your comment, please.
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, even without Martial Law mayroon po talagang 36 hours na pupuwedeng mag-apprehend ang kapulisan without charging a person in court. So, hindi po totoo na on a basis pretrial detention ay iyan po ay magiging unconstitutional.
At gaya po ng in-explain ng author ng batas na ito, iyong mga ibang bansa po puwede ngang indefinite detention ang pretrial. Iyong ating mga karatig bansa, isang buwan, 90 days; pero sa kaniyang palagay – sabi ni Sen. Lacson, eh sapat-sapat na iyong 14 days na extendable.
So, sa akin po, wala namang batas na nagbabawal sa pre-detention kasi ang pre-detention po talaga iyan ay para huwag maka-eskapo ang posibleng terorista. So, hindi po iyan sa tingin ko paglabag doon sa constitutional provision na tanging huwes ang pupuwedeng mag-issue ng warrant of arrest dahil hindi naman po binago iyang rule na iyan.
After pre-trial detention kinakailangan po sampahan ng kaso at tanging hukuman pa rin ang pupuwedeng mag-issue ng warrant of arrest.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, doon po sa mga loans natin, is it correct na we have racked up 919.4 billion in loans to respond to the COVID pandemic; and if we have that kind of figure, how do we expect to pay this?
SEC. ROQUE: Hindi ko po sigurado kung ano iyong figure na eksakto, siguro bukas po sasabihin ko sa inyo ano. Pero ang ie-explain ko lang po, marami po talaga tayong pinirmahan na mga utang dahil sinamantala po ni Sec. Dominguez na maganda ang ating credit rating kasi kapag maganda ang credit rating mo hindi lang mas marami ang magpapautang kung hindi mas mababa ang interest rate.
Pero sa lahat po ng mga pinirmahan nating utang, hindi rin po ako sigurado kung magkano na iyong na-takeout natin kasi parang utang din po iyan ng ordinaryong mamamayan. Puwedeng may approved loan ka pero hindi pa natin tine-takeout, habang hindi ka nagte-takeout, wala pa pong interes. So, lilinawin ko po iyan kung pupuwede. Bukas po iuulat natin iyan, Joseph. Remind me tomorrow.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Just one last question. Sir, I raised it noong Saturday. May mga kababayan tayo sa Kuwait in particular and then maybe in some other places na hindi makabalik sa bansa because we are regulating the inbound flights because of COVID concerns. I guess the question is—you talked to them, papaano ba sila—kailan ba sila dapat magplano to go back to the Philippines? Ano iyong—kailan iyong—makakauwi ba talaga sila given the concerns that we have here?
SEC. ROQUE: Wala pong Pilipino na nagnanais makauwi na hindi makakauwi, iyan po ay karapatan ng bawat Pilipino. Kaya nga po ang sabi ng ating Pangulo sa ating mga LGU, dahil may ganitong karapatan, hayaan naman silang umuwi sa kanilang mga probinsiya.
May problema lang po sa maraming mga bansa dahil hanggang ngayon po complete lockdown pa rin sila. In fact, sa case po ng Pilipinas, ang mga Pilipino hindi rin pupuwedeng bumiyahe palabas; pero lahat po ng papasok sa Pilipinas, pwede naman pong umuwi at ginagastusan pa nga po natin sila para sa kanilang PCR testing at sa kanilang quarantine sa hotel.
Thank you, Jo—
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir—
SEC. ROQUE: Oo…
JOSEPH MORONG/GMA7: Iyong regulation, papaano iyan? Kailan tayo magre-relax to allow more flights to come in? I guess that’s the question.
SEC. ROQUE: Sinisimulan na pong pag-usapan iyan sa IATF kasi may mga request nga coming from embassies na payagan iyong mga foreign employees ng mga flagship projects.
So, pinag-aaralan na po iyan, inilabas na iyan ni Sec. Meynard ng DOJ noong Biyernes dahil may isang embahadang nag-request na at magkakaroon po ng pag-uulat ngayong araw na ito ang Bureau of Customs at saka ang DOJ kung ilan iyang posibleng mga visa holders na foreigners na related sa mga flagship projects, iyong mga work-related visas at saka iyong mga permanent residence gaya po ng retirees at saka special investors.
So, mamaya pong hapon sa pagpapatuloy ng meeting ng IATF magpiprisenta po sila ng datos at para magkaroon po ng desisyon kung bubuksan pa nga natin ang ating bayan sa mga dayuhan.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. USec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong ni Francis Wakefield ng Daily Tribune. Iyong una niyang tanong ay nasagot ninyo na po tungkol sa schedule ng Pangulo this week. Ang second niyang tanong, follow-up po doon sa pampublikong sasakyan. Kailan daw po papayagang makabiyahe ang mga jeepneys? Tanong daw po iyan ng mga commuters.
SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po, sila iyong nasa baba ng hierarchy, kinakailangan muna nating masiguro na hindi sapat ang mga bus, ang mga modern jeepneys, at ang mga UV Express.
At kapag hindi naman po sapat iyan, kasama na diyan ang mga taxi at saka iyong mga TNVS eh baka pupuwede naman silang payagan, dahil siyempre po ang basehan ng desisyon ng ating gobyerno eh iyong mananakay kung mayroon talaga silang masasakyan.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Arianne Merez ng ABS-CBN: Has the President seen the Anti-Terror Bill, what is his comment; and when will he sign it?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung talagang nabasa na niya nang buong-buo kasi hinihintay po natin iyong mga inputs. Ang alam ko po nag-submit na ng inputs ang DOJ. Mamaya po siguro tatanungin ko si Deputy Executive Secretary for Legal Affairs kung naisumite na rin niya ang kaniyang memorandum. Si Sec. Sal Panelo nakapag-submit na po ng kaniyang memorandum.
So, sa tingin ko po by now, by this week eh maipriprisinta na ang Bill itself at ang mga rekomendasyon ng iba’t ibang ahensiya kay Presidente.
USEC. IGNACIO: Ang second pong tanong ni Arianne: Have you talked to Gen. Morales?
SEC. ROQUE: Hindi po—well, dati po. In fact just for the information of the public, noong bago po siya, binigyan pa namin siya ng briefing, ginawa pa po namin iyan sa isang sports club sa Makati. At matapos po iyong meeting na iyon, marami pong pagtatawag dahil binigay namin sa kaniya iyong datos sa tingin namin kung ano iyong mga dapat rebyuhin.
Tapos po, iyong kinailangan na ng dokumento para doon sa dialysis scam na pumayag na po si Prosecutor General na tayo na ang mag-draft ng complaint affidavit, kinausap ko rin sila, at iyon po iyong sinabi niya na hindi pupuwedeng ibigay dahil sa internet privacy ‘no.
Pero sa ngayon po—well, ang huling pag-uusap po namin ay iyong tungkol doon sa increased premiums po ng mga OFWs, kung saan napagkasunduan po na sang-ayon din po sa instruction ng Presidente, gawing boluntaryo iyong pagbabayad. Pero lately po, hindi.
USEC. IGNACIO: Last question po ni Arianne: Has the IATF approved the guidelines set by the Philippine Sports Commission for golf clubs?
SEC. ROQUE: Well, ang hinihintay po natin ay iyong guidelines para sa kabuuan po ng mga golf clubs: Ang pinapayagan pa lang ay ang golf; tapos kung kayo ay nasa MGCQ, bahagya iyong restaurant, up to 30% ‘no; at iyong ilang mga non-contact sports na nandoon sa sports club pupuwede na – pero iyong kabuuang polisiya, wala pa po.
MELO ACUÑA: Magandang araw po, Secretary. Magandang araw, I hope you had a wonderful Father’s Day.
SEC. ROQUE: Yes po, I had.
MELO ACUÑA: Inyo po bang iri-require doon sa mga makabagong jeep na gumamit noong high-efficiency particulate arrestance filters? Ito po iyong nag-aalis ng mga virus at bacteria na ginagamit sa eroplano yaman din lamang at ito ang ginagamit ngayon ng ating land transport?
SEC. ROQUE: Ano pong tawag doon?
MELO ACUÑA: HEPA filters, ito po iyong high-efficiency particulate arrestance filters.
SEC. ROQUE: Well, kung mayroon po sanang pondo, napakaganda niyan ‘no pero hindi ko po alam kung isa na iyan sa mga nakonsidera. Basta ang importante po social distancing, iyong paglalagay ng mga plastic to ensure social distancing, iyong pagkuha ng temperature at iyong pag-accomplish po ng personal information para po for contact tracing. So hindi ko po alam kung gagamitin talaga sa mga jeepney iyan ‘no at saka sa mga modern jeepney saka sa mga bus. Pero kung may pondo, bakit hindi ‘no, pero tatanungin ko po ang DOTr.
MELO ACUÑA: Opo, salamat po. Sa pagkakaroon po ng physical distancing sa mga tren at pagkakaroon ng bus to augment the services of our trains, hindi po kaya apektado iyong viability ng operasyon ng tren? Hindi po kaya malugi ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng mga ito?
SEC. ROQUE: Wala po tayong choice, malugi at hindi, kung walang sasakyan kinakailangan i-operate pero hindi naman pupuwedeng i-operate sa isang pamamaraan na ikamamatay ng taumbayan. Again, we have chosen health over finance or economics.
MELO ACUÑA: Opo, salamat po. Isang tanong na lang. May agenda na po ba si Pangulong Duterte para sa ASEAN sa Biyernes?
SEC. ROQUE: Madami pong pag-uusapan, in fact, madaming pagpupulong and nandoon po ako. Hindi ko alam kung natutuwa ako o hindi, pero babasahin ko lang po sa inyo ang ilan sa mga schedules sa Friday.
Mayroon pong opening ceremony ng 36th ASEAN Summit; mayroon pong ASEAN Leaders Special Session on Women’s Empowerment; mayroong ASEAN Leaders Interface with the Representatives of ASEAN Inter-Parliamentary Assembly; mayroong ASEAN Leaders Interface with Representatives of ASEAN Youth; ASEAN Leaders Interface with Representatives of ASEAN Business Advisory Council; tapos po magkakaroon po ng press conference ang Chair ng 36th ASEAN Summit.
It will take the whole day po of Friday. So it’s a full schedule po for the President on Friday.
MELO ACUÑA: Mag-uulat po kaya si Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang performance as Chair sa ASEAN-China dialogue?
SEC. ROQUE: Well, siguro po kabahagi po noong mga binasa kong mga schedule pero wala pong special session para sa pag-uulat on his chairmanship of China-related matters ‘no. Siguro po papasok po iyan doon sa meeting mismo ng mga Heads of State of ASEAN.
MELO ACUÑA: Salamat po, Secretary. Thank you.
SEC. ROQUE: Thank you po.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Reina Tolentino ng Manila Times: Is there a chance for SAP 3 for those most affected and those who have been laid off?
SEC. ROQUE: Kung hindi po SAP, marami po talaga tayong binubuong packages na kinakailangan din natin ng suporta ng Kongreso – ito po iyong stimulus package. At ang pagkakaintindi ko po kay Secretary Dominguez, minimum po diyan ay iyong mga cash payouts, iyong mga cash-for-work na kinakailangan talaga nating ibigay dahil marami talagang nawalan po ng trabaho – huwag po kayong mag-alala, iyan po ang priority.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya: DOLE has said that more workers will lose their jobs. Ano daw pong assistance can government give to the unemployed?
SEC. ROQUE: Well, sinabi ko na po iyan, mayroon po tayong mga existing programs na ng DOLE, iyong TUPAD, iyong cash-for-work, mayroon pa tayong mga COVID-related responses ng DOLE at dadamihan pa po natin iyang mga cash-for-work, iyong mga loan guarantees, mga pautang. Ngayon po may mga pautang na ang DTI, ang Department of Agriculture at ang OWWA po, mayroon ding livelihood package po ang OWWA din para doon sa mga nawalan ng trabaho na mga OFWs ‘no.
USEC. IGNACIO: Mula naman kay Jo Montemayor ng Malaya: Any comment daw po or reaction on the pronouncement of Senator Gordon that the complaints and criticism against Department of Health Secretary Duque and PhilHealth at this time could mean that someone daw po is or are aspiring for the key positions in these agencies?
SEC. ROQUE: Well, kagaya ng sinabi ko po, wala naman akong nalalaman na nag-a-aspire to be Secretary of Health ngayong panahon na ito dahil ito po iyong pinakamahirap na trabaho sa panahon ng COVID. So parang kahit gaano kang ambisyoso, napakahirap namang ambisyunin iyong ganiyang kahirap na trabaho ‘no. At pagdating naman po sa PhilHealth, well sinasabi po ni Gen. Morales, interested daw po ako – demotion po iyan, I’m not interested.
USEC. IGNACIO: From Ace Romero: Bakit po ‘di umuusad iyong pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP 2, nananatili pong 1.3 million iyong nabigyan ng ayuda, pareho noong nakaraang linggo?
SEC. ROQUE: Well, inaayos lang po iyong issue ng duplication of beneficiaries. Iyan po ang nagpapatagal pero kagaya ng sinabi namin noon pa, dahil automated po ang paglipat ngayon ng mga pondo, it will take only 2 days. So kapag matapos na po itong proseso na tinatawag nilang de-duplication, mapapabilis na po ang proseso.
USEC. IGNACIO: Ang tanong naman ni Randy Cañedo ng DABIGC News Radio: Bakit nauna pa pong nakapasada ang modern jeep kaysa sa mga old jeeps sa Manila? Makakabalik pa kaya sila ngayong binigay na ang ruta sa mga modern jeep? Paraan po ba ito upang ma-phase out na daw po ang jeep?
SEC. ROQUE: Sasabihin ko po uli ‘no, ang number one prayoridad ng gobyerno – iyong mananakay. Kung kulang po ang mga pampublikong sasakyan, pursuant to the hierarchy na bus, modern PUVs – papayagan naman po ang jeepneys at UV express at pati ang tricycle, kung kulang po ang ating mga bus at mga modern PUVs. Huwag po kayong mag-alala, iyong convenience ng mananakay po ang primary consideration ng ating LTFRB!
USEC. IGNACIO: Secretary may pahabol pong tanong si Jonah Villaviray(?): Na-mention ninyo daw po that IATF will talk about allowing foreigners who are working for flagship projects to enter the country. What flagship project is that and or which embassy made that request?
SEC. ROQUE: Siguro hindi ko na muna po sasabihin which embassy ‘no, pero marami po kasi talagang nagri-request at marami talagang mga foreign nationals na mga contractors ang related po sa mga flagship projects natin, iyong mga malakihang mga proyekto po lalung-lalo na iyong mga foreign ang kanilang mga contractors. Pero hindi po pupuwede kasing magkaroon ng desisyon para sa isang nationality lamang dahil mayroon tayong equal protection clause ‘no. So kung gagawa po ng polisiya, bagama’t isang embahada ang nag-request, kinakailangan equally applicable po iyon sa lahat ng mga dayuhan sa ating bayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pahabol po ni Ace Romero: Kung sapat na po iyong transport, ibig sabihin po ba ay hindi na makakabiyahe ang traditional jeepneys?
SEC. ROQUE: Tingin ko po ‘no, kung sapat ‘no. Pero ina-assess nga po ng LTFRB kung magiging sapat kung aalisin ang mga traditional jeepneys.
USEC. IGNACIO: Secretary, iyan na po ang ating mga nakuhang tanong sa ating mga kasamahan sa media ngayong araw na ito.
SEC. ROQUE: Baka naman mayroon pang second question ‘no – 52. Joseph, baka mayroon kang additional questions? It’s only 12:52, kaya ko pang tiisin ang gutom ko.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Mayroon pa, kaya pa?
SEC. ROQUE: Mayroon ka pang extra question?
JOSEPH MORONG/GMA7: Ayan, very good. Sir, clarification doon sa Angkas. These are two things ‘no, two population iyan – isang Angkas, iyong ride-hailing service; and then iyong mga nag-aangkas na mga ordinaryo nating mga kababayan. Tama ba ang narinig ko kanina na iyong pinag-aaralan ay iyong back riding of private individuals? But as far as the ride-hailing service is concerned, Angkas, iyon iyong medyo out of the question because they need a franchise, tama, sir?
SEC. ROQUE: Tama po iyan. Hindi po—well, unfortunately, Angkas is a ride service, ride sharing service. So ang ginagamit ko na ngayon ay back riding para hindi ma-confuse. Talagang private back riding lang po ang kinukunsidera pero hindi po tayo babalik doon sa nakaugalian natin. Kinakailangan po ay mayroong mga safety at saka hygienic contraptions at innovations na gagamitin, hindi po pupuwedeng as is where is na nakiki-back riding lang.
Gaya nitong dinisayn [designed] ni Governor Yap, “The Yap Contraption”. Tapos mayroon pa pong iba iyan eh, sana pinakita natin iyong proposal ng Angkas bagama’t hindi na nga pupuwede ang Angkas dahil wala silang prangkisa. Kasi mayroon pang dalawang proposal diyan. Wala ka bang picture diyan?
Mayroon kasi iyong sa Angkas din na proposal nila bagama’t hindi pa sila pupuwedeng ma-allow dahil wala nga silang prangkisa. Ganoon pa man, alam ko na iyong Chairman po ng House Committee on Transportation ay nagsasabi na isasangguni daw niya sa DOTr na habang nakabinbin ito sa Kongreso, baka daw payagan ang provisional. Pero iyan po ang suhestiyon ni Cong. Edgar Sarmiento, ang Chairman ng House Committee on Transportation. Pero sa ngayon po talaga, ang estado ay hindi pupuwede dahil walang prangkisa.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, so iyong [inaudible] iyong mga mag-aasawa. Sir, last na lang and then kasi si Joyce—
SEC. ROQUE: Go ahead. Oo, kasi may oras pa naman tayo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong provincial buses, I speak because—
SEC. ROQUE: Ayun! Wait, wait, can we show first—Joseph, ito iyong mga back riding contraptions na sinasabi pa natin ‘no. Ito iyong proposal ng Angkas bagama’t hindi na nga muna sila allowed. Ito kasi less … parang less dangerous kasi iyong Art Yap ano … sabi ng isang miyembro ng IATF, baka mayroong drag. Alam mo iyon, iyong parang umaandar ka eh kontra hangin ‘no – so safety.
So ito, mukhang mas practical ito. Ito parang ito iyong magugustuhan ni Presidente kasi ayaw niya nakayakap iyong mga babae sa Angkas riders ‘no, mayroon lang strap na nakasuot doon sa driver at saka mayroong divider. So parang itong mga ganitong mga bagay-bagay ang mga dapat gamitin; hindi na po pupuwede na basta magba-back ride lang.
JOSEPH MORONG/GMA7: Ano iyan, sir, bibilhin o puwede kaming … iyong mga tao na lang iyong gumawa?
SEC. ROQUE: Tingnan po natin. Wala pa ngang disenyo na pag-aagrihan [agree] kaya nga po ang technical working group ng IATF ay magkakaroon muna ng final guidelines bago po ma-implement iyang back riding. Okay?
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last. Sa provincial bus, papaano, parang walang kinabukasan?
SEC. ROQUE: Alam mo kasi nakasalalay din po iyan doon sa estado ng quarantine na applicable sa mga area. Kasi siyempre kapag in-allow mo ang provincial buses, magkakaroon talaga ng cross border movements na ‘no. I could see na siguro kung papayagan iyan, it will be doon sa mga lugar muna na mabababa ang kaso, iyong MGCQ area. Pero hindi pa po pupuwede siguro iyong mga GCQ to MGCQ kasi maraming quarantine restrictions na i-impose pa rin.
SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Si Joyce naman. Huling hirit kay Joyce.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, sir. Pahabol lang din po. Any update, sir, doon sa fund source for transistor radios? Kasi last week nabanggit nga po ni Pangulong Duterte na at the end of last week ay maghahanap siya ng fund source for this.
SEC. ROQUE: Well, wala pa po akong bagong developments. Pero hindi po problema iyan dahil allowed naman po talaga ang realignment of funds within the Executive Branch of government. Okay?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. And, sir, one last na lang din po. A month before opening of classes, si Vice President Robredo ay uma-appeal or nagri-recommend na baka puwedeng i-move pa daw itong August 24 kasi as per Department of Education, hindi pa raw po ready ang lahat to implement itong blended learning?
SEC. ROQUE: Well, as far as the actual date of classes, may batas po iyan ‘no. We have to comply with the law which is the last week of August. Unless Congress will pass a law providing that we could open on a later date.
Okay, last question kay—thank you, Joyce. Last question from Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Vanz Fernandez ng Police Files, DZRJ. May nahuli na naman pong nagsasambong sa Cebu in which involved daw po ang pulis na kasamang nagsasabong. Sila dapat ang sumusunod sa batas. Sa palagay ninyo po, dapat na bang bigyan nang mas mabigat na parusa para hindi maulit ang mga ganitong pangyayari?
SEC. ROQUE: Alam ninyo, kilala ko po si Secretary Año – sibak, sibak, sibak na naman po iyan kung iyang pulis na iyan ay active duty. Asahan ninyo po iyan. Asahan ninyo po iyan na gaya ng sikat ng araw sa umaga, sisibakin po iyan ni Secretary Año. Okay?
Bago po matapos ang briefing, kinukuwento ko lang po sa ating mga televiewers na galing po sa Simbahang Katoliko, mayroon pong patron laban sa pandemya, kaapelyido ko po, si San Roque o si St. Roch. Lahat po ng mga lugar na kaniyang binisita na may pandemya tulad ng Italya at Alemanya ay himalang napapagaling ang mga tao. Liban po siguro sa pagtutulungan, ipagdasal po natin ang ating bansa at ang buong mundo anuman ang ating relihiyon na malampasan natin ang COVID-19.
Iiwan ko sa inyo ang isang panalangin mula sa mga Awit 103, Purihin mo ang Panginoon o kaluluwa ko at lahat ng nasa loob ko ay magpupuri sa kaniyang banal na pangalan.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagpapaalala: Mag-ingat po tayong lahat sa COVID, wala pang bakuna, keep safe. Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center