SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Unang araw po ng Hunyo at unang araw din ng GCQ at MGCQ sa mga lugar sa Pilipinas.
Umpisahan po natin ang press briefing natin sa mabuting balita. Nakauwi na po ang mahigit 24,000 nating kababayang OFWs sa kani-kanilang mga tahanan. Matatandaan na nagbigay ng deadline ang ating Presidente sa mga ahensiya ng pamahalaan na aksiyunan ang issue ng mga OFW na nasa mandatory quarantine. Ito ay matapos makarating sa Pangulo ang balitang may isa o dalawang buwan
SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Unang araw po ng Hunyo at unang araw din ng GCQ at MGCQ sa mga lugar sa Pilipinas.
Umpisahan po natin ang press briefing natin sa mabuting balita. Nakauwi na po ang mahigit 24,000 nating kababayang OFWs sa kani-kanilang mga tahanan. Matatandaan na nagbigay ng deadline ang ating Presidente sa mga ahensiya ng pamahalaan na aksiyunan ang issue ng mga OFW na nasa mandatory quarantine. Ito ay matapos makarating sa Pangulo ang balitang may isa o dalawang buwan na silang nasa Maynila, naghihintay ng kanilang test results at certificate of quarantine. Naka-flash po sa inyong screen ang breakdown ng mga OFWs na ating naihatid mula Mayo a-beinte singko hanggang Mayo treinta y uno.
Dahil sa pinakita nating aksiyon sa mga OFW, sumulat po ang Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines, the Associated Philippine Seafarer’s Union at ang International Transport Workers’ Federation na kumakatawan sa higit 1.5 million seafarers para magpasalamat sa ating Pangulo. Hayaan ninyong basahin ko ang ilang bahagi ng kanilang liham: “The announcement made by your Spokesperson Harry Roque on Monday that the government will use all government resources, give seafarers around the world renewed hope that they are not forgotten.” Maraming salamat po sa inyo.
Isa pang mabuting balita po sa ating mga OFW: Nagpapasalamat si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang Kamahalan, King Ḥamad bin ʿIsā Āl Khalīfah sa pagbibigay ng royal pardon sa labing anim na Pilipino sa Kaharian ng Bahrain. Para po sa kaalaman ng lahat, sumulat po ang ating Presidente sa Hari ng Bahrain para sa mga kaso ng ating OFW doon.
Balitang IATF naman po tayo: Nakasaad po sa IATF Resolution No. 41 na simula ngayong araw, a-uno ng Hunyo hanggang a-quince ng Hunyo, ang mga sumusunod na lugar ay mapapasailalim sa General Community Quarantine.
Sa Luzon: Ang Probinsiya ng Pangasinan; ang Region II, kasama po ang Probinsiya ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago City; Region III (Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles City, Olongapo City); Region IV-A (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Lucena City); NCR, kasama po ang Pateros.
Sa Visayas naman po, ang mga GCQ areas ay ang Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City – lahat po ng mga ito ay nasa Region VII.
Sa Mindanao, ang Zamboanga City at ang Davao City ang tanging GCQ areas.
Ang mga lugar at mga probinsiyang hindi ko po nabanggit ay sasailalim sa Modified General Community Quarantine mula a-uno ng Hunyo hanggang a-quince ng Hunyo.
Bale, wala na pong lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng ECQ at MECQ. Ngunit kung marami po sa atin ang hindi susunod sa health protocols o hindi mag-oobserba ng social distancing or physical distancing, paghugas ng kamay, at lalabas nang lalabas, dahil wala lang – ay baka bumalik po tayo sa ECQ and MECQ.
Ano po ang puwede sa GCQ at sa MGCQ? Tingnan po natin ang sumusunod na infographics.
Una po, nakasulat sa IATF Resolution No. 41 na ang RIATF ng NCR at Cebu City ay inaatasan na ma-monitor ang health system performance capacity at strict compliance to surveillance, isolation and treatment protocols.
Sa GCQ po, ang hindi pa rin pupuwedeng lumabas ay iyong mga vulnerables – ang ating mga elderlies, iyong mayroong mga immunodeficiency, comorbidities or other health risks and pregnant women at ang mga kabataan; sa Modified GCQ po, 100% pupuwede pero siyempre po ingat pa rin.
Ang mga gobyerno po sa GCQ, full operational capacity pero sang-ayon po sa resolution ng Civil Service Commission, dapat po may alternative work arrangements kasama po ang work-from-home. Sa MGCQ, full operational capacity including physical work pero ini-engganyo pa rin po ang alternative work arrangements for those who are over 59 years.
Sa pampublikong transportasyon po, mayroon po tayong phase 1, mula Hunyo a-uno hanggang beinte uno, mayroon po tayong mga train and bus augmentation, taxis and TNVS, shuttle services, mga bisikleta, mga tricycle na kinakailangan po ng LGU clearance. Pero wala pa pong provincial bus na papayagang pumasok sa Metro Manila. Sa phase 2 po, mula June 22 hanggang a-treinta, mayroon na pong mga public utility buses, mga modern PUVs at mga UV Express.
Now, sa IATF Resolution No. 41, ang RIATFs po, iyong mga Regional IATF ang magmo-monitor ng health system performance capacity, strict compliance at surveillance, iyong isolation and treatment protocols.
Sa Cebu po bagama’t GCQ na, kinakailangan pong mag-submit ang mga namumuno sa Cebu City ng kanilang detalyadong plano para po sa zoning sa kanilang siyudad at iyong mga priority barangays.
Now, lilinawin po natin ang rules pagdating po sa inter-province travel. Unang-una po, hindi ninyo na po kinakailangan ng travel authority kung kayo ay nasa Metro Manila at iikot sa iba’t-ibang siyudad ng Metro Manila. Pero siyempre po hanggang hindi kinakailangan, homeliner muna tayo.
Now, hindi rin po kinakailangan ng travel authority kapag mayroong medical and family emergencies, kung ang travel nga po ay sa loob lamang ng isang probinsiya o sa loob nga ng Metro Manila. Iyong mga biyahe po na tatawid ng probinsiya o involving 2 provinces, kinakailangan po ng travel authority pa rin.
Now, kinakailangan po, iyong mga magbibiyahe na kinakailangan ng travel authorities, sila ay APOR (Authorized Persons Outside of Residence). Iyong mga APOR, hindi na po kinakailangan ng travel authority. Ulitin ko po ‘no, iyong APOR, hindi kinakailangan ng travel authority.
Now, iyon nga palang mga seniors baka magreklamo na naman ‘no [laughs]. Iyong same rule po nandiyan pa rin: Puwede kayong lumabas kung mayroon po kayong kinakailangang bilhin na indispensable; at kung kayo po ay nagtatrabaho. Okay malinaw po iyan, para hindi naman magalit si lolo at si lola na naman kung hindi lilinawin.
Punta po tayo sa update sa COVID-19. Mayroon na po tayong 18,086 na kaso sa Pilipinas as of
May 31, 2020. Ang mga gumaling po ay 3,909. Ang mga namatay po ay 957.
Iyong mga nagtatanong, handa na ba tayong mag-GCQ? Well, itong graph pong ito ay iyong tinatawag na positivity rate trending para sa Pilipinas. Ano ho ba itong positivity rate trending? Ito po iyong mga porsiyento na nagpositibo sa lahat ng mga na-testing na natin. So habang mas mataas po iyong porsiyento, mas maraming mayroong COVID-19 doon sa mga na-test; habang mas mababa, kumukonti po ang kaso.
At nakikita ninyo po sa graph na ito na nagsimula tayo noong April ay napakataas po ng positivity rate ‘no, 13.4% – April 12, 13.4%. At sa ngayon po as of May 24 ay nasa 6.5% na po tayo so ibig sabihin, talagang gumana po ang ating ECQ. Pero siyempre po kung magpapatuloy itong pagbaba ng positivity rate, nasa kamay po natin iyan. Kinakailangan homeliners – kung hindi kinakailangan lumabas, manatili sa tahanan, hugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, paggamit ng disinfectant; at siyempre po ‘no, iyong mga nag-eempleyo, kung pupuwede po alternative work arrangements.
Tingnan naman po natin iyong health system capacity bago tayo nag-GCQ, ‘di ba ho sinasabi ko na iyong mga factors na tinitingnan, iyong pagkalat ng sakit, iyong kapasidad mabigay ng critical care at saka iyong ekonomiya. Ito po, makikita ninyo na simula noong April 23, 2020, mayroon tayong 808 ICU bed capacity. Ang vacant po ng mga panahon na iyon ay 555 at ang iyong mga occupied ay 253. Makikita ninyo po na mula noong April hanggang ngayon, May 28, dumami po ang ICU beds at dumami din po iyong mga bakanteng ICU beds. Mayroon na po tayong 1,273 na ICU beds kung saan 820 po ang bakante at 453 ang occupied. Bagama’t ito po ay magandang mga senyales, napakadali pong mapuno iyan kung hindi tayo mag-iingat at hindi susunod sa health protocols.
Tingnan naman natin iyong mga mechanical ventilators, ilan ang mayroon tayo ‘no. Noong April 23, mayroon po tayong 1,039; 830 p0 ang hindi nagagamit at 209 ang nagamit. Ngayon po, May 28, mayroon na po tayong 1,935 – halos doble po – at 1,581 ang hindi po nagagamit at 354 po ang nagagamit. Uulitin ko po: Kapag nagkasakit lahat, kulang na kulang po iyan. Social distancing at manatili pong malusog.
At iyong isolation bed capacity naman po natin sa buong Pilipinas, 4,925, noong 23 of April, ang mga bakante noon ay 3,114; dati ang occupied na isolation beds ay 1,811. Ngayon po, May 28, mayroon na po tayong isolation bed na 9,201 kung saan 5,900 po ay bakante, 3,301 ang occupied. Huwag po tayong magnasa na mag-occupy ng isolation bed.
Okay. So, kasama po natin ngayon at tayo po ay mapalad ‘no nandito po, unang-una, si Usec. Vergeire – pasensiya na po, the lone rose amongst the thorns – Department of Health. Nandito po ang tagapagpatupad ng National Task Force of COVID-19, Secretary Galvez. Nandito po ang Secretary po ng DILG, Secretary Año. At nandito po ang ating Secretary ng Department of National Defense, Secretary Lorenzana.
So simulan na po natin ang pagtatanong—may presentation pala si Usec. Vergeire. You have the floor.
USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Secretary Roque. At magandang hapon po sa ating lahat dito, kasama po ang mga secretaries of other agencies.
May ibibigay lang po na kaunting paalala ang Kagawaran ng Kalusugan para sa araw po na ito na nag-uumpisa tayo nitong GCQ dito sa Metro Manila.
So, ito pong unang pinapakita namin sa slide, ito lang po iyong palagiang ipinapaalala natin sa lahat ng ating mga kababayan. Unang-una po, kapag lumabas wear your mask. Hindi lang po isususot ang mask kung hindi isusuot po ito properly. Marami po tayong nakikita isinusuot pero nasa baba lang nila o ‘di kaya bibig lang ang tinatakpan. So if you wear your mask, you wear your mask properly na kino-cover po parehong ilong at saka bibig.
Physical distancing, napakaimportante. Alam po natin na ang transmission po ng sakit na ito ay maaaring makuha through droplet infection at close contact. So, kung hindi po tayo susunod doon sa distance na kinakailangan ay malaki ang probabilidad na maaari tayong mahawa.
Washing your hands is very important and of course disinfecting common surfaces at iyong huli po iyong symptoms screening, ito po iyong ginagawa natin sa lahat ng settings natin, pati sa work places.
So, ito lang po iyong ating mga kaso na atin pong nai-report na kagabi. At sinasabi lang ho natin, gusto lang ho nating maintindihan ng ating mga kababayan, ito pong fresh and late cases na bagong klasipikasyon ng DOH, bunsod po ito ng pagpapaigting namin ng validation process kung saan atin pong sinisigurado na hindi nagdu-duplicate ang ating mga kaso na ipinapasok sa ating mga datos.
Ito pong fresh cases na ito, ito po iyong mga kaso na pumasok po sa ating datos within three days po nang lumabas ang kanilang resulta ng laboratoryo. At ang late cases naman po is more than three days na lumabas ang kanilang resulta ng laboratoryo at nai-submit po sa atin sa DOH.
So ang fresh cases po natin, kapag tiningnan natin, nanggagaling po iyan sa daily submission ng ating mga laboratories. So kapag tiningnan po natin, katulad po kahapon, bakit 16 nga lang daw tinatanong ng mga tao, kasi po ang nakapag-submit po sa amin kahapon ay 16 laboratoryo lang.
Ngunit huwag po tayong mabahala, nakausap na po natin ang ating mga laboratoryo kaninang umaga at binigyan na po sila ng instruction ni Secretary Duque to submit at once ito pong daily submissions nila para mabuo natin ang ating mga numero.
The late cases are submitted based on the line list given by laboratories. Again, out of the 42 operational laboratories that we have, right now, only 27 laboratories provided us with their complete line list. Kung atin lang pong makukumpleto ito, ito pong mga backlogs for validation na sinasabi natin ay atin na rin pong mari-reduce so that we can somehow approximate the total number of unique individuals tested with these confirmed cases that we have.
So ang pangatlo po, gusto lang po namin ipaalala, bagama’t nandito po tayo sa panahon ng pandemya for COVID-19, huwag na huwag po nating kalimutan ang importansiya ng iba pa hong serbiyo ng kagawaran o ng pamahalaan; at huwag po nating kakalimutan na mayroon pa rin po tayong mga non-COVID diseases, at ito po iyong panahon ngayon na kailangan nating pag-ingatan dahil maaari pong tumaas ang mga kaso ng polio, ng measles at iba pa hong sakit sa ating mga kabataan. Kaya napaka-importante po na pabakunahan pa rin po ang ating mga kabataan kahit po nandito tayo sa gitna ng pandemyang ito.
So, iyon po iyong sinasabi natin. So, mag-iikot po ang ating mga healthcare workers para sa bakuna o di kaya ay maaari din po kayong pumunta sa ating mga health facilities. At mayroon na po tayong ginawang mga schedules diyan para po hindi nagsisiksikan ang mga tao at para po hindi naman nagkakaroon ng increase rate of transmission kapag nagkaroon ng maramihang tao sa health centers natin. So iyon lang po ang ipinapaalala ng Kagawaran ng Kalusugan para nga ho ngayong araw na ito, first day for our GCQ in Metro Manila. Sec?
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Usec. Vergeire. Maricel Halili of TV 5 on Skype. Please identify kung para kanino ang tanong?
MARICEL HALILI/TV5: Magandang hapon po, Secretary Roque. Before I proceed po doon sa isyu ng GCQ, may we ask you kung ano po iyong naging purpose ni President Duterte sa pagbisita sa Davao over the weekend? And considering na na-relax na iyong community quarantine, does it mean that the President will go back to his usual schedule na every week nang uuwi ng Davao? When do we expect him to come back to Manila and attend the IATF meeting?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, 67 days pong nakulong sa Maynila si Presidente; umuwi lang siya ng tatlong araw noong isang linggo. So siyempre po hindi sapat iyong tatlong araw niya ‘no. Pero ngayong siya po ay nasa Mindanao, hindi lang naman siya nag-reunion, tinitingnan din niya kung ano po ang nangyari diyan sa Mindanao. At in fact, magkakaroon siya ng mga official functions sa Davao kasama na po ang pag-uulat sa bayan; at ang pagmi-meeting niya sa ilang mga miyembro ng IATF, magaganap po iyan sa Davao.
MARICEL HALILI/TV5: So sa Davao na po si Presidente makikipag-meeting via internet na lang po, Zoom?
SEC. ROQUE: Pupunta po ang ilang mga miyembro ng IATF sa Davao para doon sa address at pagpupulong.
MARICEL HALILI/TV5: When will this happen, sir?
SEC. ROQUE: If I am not mistaken, it will happen on the 4th, Thursday.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, baka puwede po kay Sec. Año. Sir, kasi kanina nakita po doon sa videos na kinunan ng media na sobrang dami ng mga passengers na naipit sa may Commonwealth area. It seems na medyo maluwag pa rin naman daw po doon sa MRT and other buses sa EDSA. But the problem is wala daw augmentation from inner streets papunta doon sa mga major roads. So, how do you plan to solve this? And do you think the government did the right decision to relax the community quarantine in Metro Manila given the situation?
SEC. AÑO: Maraming salamat sa tanong mo. Unang-una, ang ating DOTr Secretary, Secretary Art Tugade, ang siya pong namamahala diyan sa ating transportation at ito po ay inulat naman niya sa IATF. At nakita namin po na on the side of caution, importante talaga na i-observe natin iyong mga protocol. Mahirap po kung bibiglain natin, kaya nga po ang una nating inilabas ay ang MRT, LRT at saka iyong mga P-to-P buses para po maiwasan ang surge at ang pagkumpul-kumpol nga tao. At mula po diyan ay mayroong mga adjustments na gagawin hanggang sa … I think, if I am not mistaken po, sa June 21 ay mayroong mga ilalabas din na mga pampublikong sasakyan.
So phasing by phasing pa din tayo, kaunting pasensiya lang. Mahirap naman kasi kung bibiglain tapos babalik na naman tayo sa ECQ na naman, eh mas lalo pong hindi tayo makakausad. So, kaunting pakiusap at pag-uunawa sa ating publiko at malalampasan din naman natin ito, maganda nga po nakarating na tayo sa GCQ, sana ay huwag na tayong babalik sa ECQ or Modified ECQ.
Lahat pong iyan ay ginagawa ng ating DOTr – ang mga adjustment – para naman po makatugon tayo sa pangangailangan ng publiko sa mga sasakyan.
SEC. ROQUE: May idadagdag si Secretary Lorenzana.
SEC. LORENZANA: Magandang hapon po sa inyong lahat. Tungkol doon sa kulang na sasakyan, kaninang umaga nag-dispatch iyong Armed Forces ng 48 buses sa MMDA at sila iyong nagdi-dispatch din kung saan kailangan.
Sa 48 na trucks at saka buses, anim ang nai-dispatch sa Commonwealth, na ito ay libreng sakay na naglalagari diyan kung saan man sila galing para madala sila sa EDSA – iyan po ang current situation ngayon.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lamang po, maybe for Usec. Vergeire and Secretary Roque: About the accuracy po on the number of cases kasi although the DOH has already explained iyong change doon sa system of reporting, some of the lawmakers still criticize the way of reporting. Like Senator Ping Lacson is saying na it simply means na before, the government is not being honest with the numbers. So, ano po iyong assurance ng accuracy ng number ngayon? Gaano pa po ba karami iyong backlog? Hanggang kailan po natin mahahabol ito to say na iyong numbers na pini-present natin really reflects the current situation?
SEC. ROQUE: Well, bago po sumagot si Usec. Vergeire, may idadagdag po si Sec. Galvez doon sa tanong sa sasakyan.
SEC. GALVEZ: Noong ano po … kahapon po, nag-ikot po kami sa Metro Manila and then kasama ko po ang pamunuan ng NCRPO at saka po ng Joint Task Force NCR at nakapag-prepare po tayo ng mga sasakyan. Nag-usap na rin po kami ng DOTr at ang nakita po namin talaga ang … iyong medyo may problema lang talaga doon sa Commonwealth pero naayos na po ngayon dahil kasi ang ginawa po natin, iyong ating reserve na buses doon sa PITX galing ng DOTr, ni-reinforce na rin po iyon.
Nagpulong na rin kami ni GM Jojo Garcia at kung ano po ang mga magandang gagawin. So, ngayon po naka-connect na po ang OpCenter natin ng MMDA at saka po ng ating NCRPO at saka iyong ating NIC. So, sa ngayon po mino-monitor po natin ngayon at sa ngayon nag-normalize naman po.
SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat, Sec. Now, iyong katanungan po, iyong reporting ng figures, sabi po ni Sen. Ping Lacson, dishonesty daw, Usec. Vergeire?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir, magandang hapon po. Simula’t sapul po, ang Kagawaran ng Kalusugan ay naging transparent from the very start with our data. Nakikita ninyo po lahat po ng aming ginagawa, we have an open system, iyong data-drop, kung saan maaaring tingnan ng mga kababayan natin ang aming mga datos.
Ito pong ginagawa natin ngayon, we have automated our system that’s why bumilis po iyong validation system natin. We now have this application, iyong COVID-KAYA where all of our facilities will be using this so that we can hasten and we can minimize delays in the passing on or reporting system across our facilities to DOH.
Now, ito pong sinasabi natin na mga backlogs na sinasabi, mayroon ho tayo ngayon. Sa ngayon we have around 6,800 pa na kailangan pong i-validate natin, na atin pong pagtatrabahuhan sa mga susunod na araw para po magkaroon na po tayo nang at least approximation between the unique individuals tested and those confirmed positive for COVID-19.
SEC. ROQUE: Okay. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay. Good afternoon, Sec. Roque. Ang tanong po mula kay Rose Novenario of Hataw: Reaksiyon daw po sa resumptions starting Monday of the mandatory OFW Philhealth contribution which is 3% of their monthly salary and is set to increase year by year reaching 5% by 2024 as part of the Universal Healthcare Law?
SEC. ROQUE: Sinuspinde na po ni Sec. Duque iyong probisyon ng Implementing Rules and Regulation na nagpapataw nang mas mataas na premiums. So, sa tingin ko po maski tapos na ang MECQ ay suspendido pa rin po iyan hanggang hindi po narerepaso at nababago ng Philhealth iyong kanilang Implementing Rules and Regulations.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po ni Rose Novenario pa rin: Reaction daw po sa joint statement on rule of law in the midst of COVID-19?
SEC. ROQUE: Well, we agree with the call for the rule of law. At kung ang tinatanong naman po ay iyong kaso ni Gen. Sinas, tuloy po ang preliminary investigation ng piskal at tuloy din po iyong proseso ng administrative case, bagamat hindi pa po naisusumite sa Malacañang iyong request for authority to proceed with the investigation.
USEC. IGNACIO: Ang question naman ni Kris Jose ng Remate: Ngayong mas maluwag na daw po ang kalsada ay nagbabala si Congressman Barbers ng pagtaas ng kaso ng drug trafficking sa bansa. Ang sabi po ni Congressman Barbers, marami daw po kasing drug pusher ang nagpigil na bumiyahe ng ilegal na droga dahil madali silang mabubuko sa mga checkpoint bunsod nang ipinaiiral na quarantine protocol. Ano po ang hakbang na gagawin ng gobyerno para hindi makaiskor ang mga taong nasa likod ng drug trafficking na ito?
SEC. ROQUE: Siguro si Sec. Año?
SEC. AÑO: Maraming salamat sa tanong mo. Unang-unang, iyan ay atin ng pinag-isipan at in fact ay nakatulong nga po ang quarantine sa pagsugpo ng droga. In fact, ang atin pong crime ay bumaba nang 59%. From 11,000, iku-compare natin iyong period bago po nag-quarantine, kung iku-compare po natin noong nakaraang panahon ay naging 4,000 na lang po iyong ating crime volume. So iyan po ay 59%, kasama na rin po iyong drugs diyan.
At ang atin pong kapulisan at iba pang ahensiya ay naghahanda habang tayo ay nagluluwag. Umasa po tayo na sisiguraduhin natin na ang lahat ng measure ay ipatutupad natin lalo na sa paglaban dito sa drugs.
Malaking epekto rin po ang pagkakaroon ng quarantine sa ating mga drug syndicates at in fact ay ito ay patuloy na binabantayan natin. So, nakikita po natin mas gumaganda nga po ang ating peace and order situation dahil sa quarantine na ating ipinatutupad at nag-a-adjust po tayo unti-unti. At maganda rin po dito ay dumadami rin po iyong mga nagbo-volunteers sa atin na nagbibigay ng impormasyon.
At ito rin ay isang paraan sapagkat sa matagal na panahon na hindi nakagamit ng droga iyong mga ibang kababayan natin ay unti-unting naka-adjust din iyong katawan nila. Maaaring sa susunod ay mai-get rid na nila iyang paggamit ng droga sapagkat forcefully ay nagkaroon ng tinatawag na withdrawal. Sana po ay tuloy-tuloy ito, at we will make sure po na lahat ng tamang programa at pagpapatupad ng batas ay gagawin natin para tuluyang mawala na rin ang droga dito sa atin.
SEC. ROQUE: Yes, Joyce Balancio, DZMM?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon po, Secretary. Puwede po sa inyo itong tanong na ito o kay Sec. Año. Follow-up lang po doon sa dati ko na rin po na tanong doon sa angkas. Kasi po lalo na po ngayong GCQ ay marami po iyong mga kapamilya natin, mga kababayan natin na humihiling na sana baguhin natin iyong policy against couples na bawal during angkas. Nabanggit ninyo, Secretary, before na itatalakay ninyo ito sa IATF, may update na po ba doon, Secretary?
SEC. ROQUE: Siguro si Sec. Año?
SEC. AÑO: Yes. Ang ating angkas, ang ating panuntunan diyan ay bawal pa rin sapagkat ito ay malaking violation sa ating health protocol. Unang-una, ie-explain ko lang ano, kung ang mag-asawa ay papasok at naka-angkas, pagdating niya sa opisina ay mahahawa iyong lalaki at pag-uwi niya ay naka-angkas iyong babae, iyong babae naman ang mahahawa. Ang susunod naman na mahahawa ay iyong opisina o ka-opisina ng babae. Habang mayroon pa pong virus, hindi po tayo puwedeng magsugal diyan. Hanggang sa sana ay dumating tayo sa new normal, wala na tayong virus at wala ng positive cases ay babalik din naman po tayo diyan, kaunting pasensiya lang.
Papaano natin maso-solve itong angkas dahil, halimbawa, ay mag-asawa nga sila: Unti-unti po ay gumagawa tayo ng bicycle lane, gagawa tayo ng tricycle lane at lagyan na lang po ng sidecar iyong motor at puwede namang isama niya iyong kaniyang misis. Ganoon lang po naman iyong mga solution habang mayroon pa tayong virus. Kapag wala na po, babalik na ulit tayo sa dati at puwede na silang mag-angkas.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So, puwede po, Secretary, iyong bike na may sidecar? Puwede po iyon para lang po mahatid po?
SEC. AÑO: Mayroong mga ruta na puwede tayong maglagay para sa mga may mga sidecar na bisikleta pero iyong doon sa walang sidecar dapat free flowing iyan. So, unti-unti ay nag-a-adjust tayo sa bagong normal kung anong pupuwedeng makatulong sa ating mga kababayan. Huwag lang po nating madaliin kasi kapag bumalik tayo sa ECQ eh mas lalo pong mahihirapan tayo. So, sabi nga ay hinay-hinay, unti-unti ay makakarating din tayo sa pupuntahan natin.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Regarding pa rin po sa public transportation dahil nabanggit po ni Secretary Año kanina may second phase which is June 21 kung saan mas marami pa po iyong papayagan na public transportation. May mga netizens po na workers na nagtatanong, makatarungan po bang i-absent sila ng kanilang mga employers just because hindi sila makapunta sa trabaho dahil hindi pa sila sakop nitong available transportation sa kanilang mga lugar?
SEC. AÑO: Well, unang-una po ay kailangan nating konsultahin ang ating Secretary ng DOLE tungkol sa patakaran na iyan. Pero kami po ay humihing ng pang-unawa sa mga employer na intindihin po iyong ating mga manggagawa. Kaya nga po may mga pinu-propose tayong work schedule at saka iyong number of attendance ng manggagawa sa isang opisina para po magkaroon ng adjustment, at kung puwede pong work-from-home ang iba o kaya naman po ay magkakaroon sila ng rotation. So tulung-tulong po tayo, bayanihan po tayo rito.
Pero ang atin pong DOLE Secretary ay pinag-iisipan na po iyan, at sa susunod po na mga araw ay magkakaroon din tayo ng mga adjustment. At sana naman po ay makaunawa iyong ating mga employer.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Kay Secretary Roque. Sa recent briefing po ay nabanggit po ni CSC Commissioner Aileen Lizada na wala pong hazard pay iyong mga personnel na papasok po ngayong GCQ. Bakit po ganoon, Secretary, I mean, lagi naman nating sinasabi [garbled] MECQ or GCQ nandiyan pa rin iyong threat ng virus so bakit tinanggalan ng hazard pay [garbled] still facing with the same [garbled] given na nag-transition tayo [garbled]
SEC. ROQUE: Well, ganoon din po ang kasagutan ko ‘no, iyong banta po bagama’t ay naririyan pa has become manageable dahil humaba na iyong doubling rate ng sakit at saka na-increase na iyong capacity natin to provide critical care. So hindi na po ganoon katindi ang banta bagama’t kinakailangan po talaga mag-ingat pa rin.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. So walang chance po na mapakinggan po iyong panawagan ng iba na ibalik po iyong [garbled] for GCQ [garbled] government employees na pumapasok po?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po kasi talaga iyan, naka-budget lahat iyan ‘no. At ang lahat po ng budget natin ngayon ay nakalaan sa COVID-19. So konting pasensiya po sa mga government workers.
Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Question from Bella Cariaso of Bandera: New anti-terrorism bill has been filed in Congress. This early, many are opposing the measure due to its provisions. Is this a Palace backed measure and a Palace priority? Would it be certified as urgent daw po?
SEC. ROQUE: That’s actually a piece of legislation which was passed—or being deliberated by Congress. We always respect the prerogative of Congress to draft policies. So far, it has not been certified urgent, but I think Secretary Año would like to comment as well or—Sec. Delfin Lorenzana pala will comment on this.
SEC. LORENZANA: Good afternoon. Yeah, itong panukalang batas na ito ay na-certify na yata sa—nandoon sa Malacañang ito, ewan ko kung hindi pa lumalabas. Pero it is certified urgent bill para matapos ito bago mag-recess iyong Congress ngayong June 5.
Ang comment ko lang doon sa mga nag-o-oppose dito ay wala namang basehan iyong kanilang mga opposition dahil binasa ko iyong panukalang batas – nandito sa akin ngayon – iyon namang karapatan ng mga tao ay may sapat na provisions. At saka iyong mga law enforcement agencies ay may sapat ding kaparusahan sa mga nag-aabuso. So dapat walang ipangamba ang ating mga kababayan. Thank you.
SEC. ROQUE: Secretary Año?
SEC. AÑO: Ito namang bill na ito ay talagang matagal na po itong pinag-usapan at matagal na pong hinihiling na maipasa ito sapagka’t ito po ay talagang threat na nangyayari hindi lamang sa ating bansa [kung hindi] sa buong mundo. At itong mga teroristang ito ay nagpaplano din iyan kahit tayo ay naka-quarantine at nandito tayo sa problema ng COVID.
At kung mari-recall natin ano, may mga ibang insidente na gumamit pa ng sarin gas para ipatupad iyong kanilang terorismo. Eh kailangang makapaghanda tayo. Very timely na po ito para po kung bumalik na tayo sa bagong normal, nakahanda na rin po ang ating mga batas sa pagpapatupad at hindi na po tayo magkaroon ng problema sa terorismo.
So ito po naman ay para sa kaligtasan ng lahat, at pinag-isipang mabuti at sinisigurado po natin na walang abusong mangyayari. Kaya sana po ay suportahan na rin natin itong anti-terrorism bill po natin.
USEC. IGNACIO: [OFF MIC] ni Bella, Secretary, medyo may binanggit na po si Usec. Vergeire. Pero iyong follow up question ni Bella dito: Ano daw po iyong masasabing alarming iyong increase in case na magkaroon na nga daw po ng increase na naman, papaano daw po masasabi na ito ay alarming na at ano daw po ang magiging option ng return sa ECQ? Since economic consideration iyong lifting ng lockdown, masasabi ba natin na we have no choice but to move forward at hindi na daw po maging option ang lockdown?
SEC. ROQUE: Sec. Vergeire?
USEC. VERGEIRE: Iyon pong ating sinasabi na mga indicators na ginagamit para makapagrekumenda po tayo … para magrekumenda ang IATF sa ating Presidente ay iyon pong case doubling time and the critical care utilization rate. Iyan po iyong dalawang binabantayan natin ngayon na mga indicators para masabi natin kung kinakailangan natin uli na magkaroon ng stricter measures.
So when we say na kailangan pa ba natin mag-lockdown o hindi, ang opsyon po ay laging nandiyan ‘no, hindi po iyan mawawala dahil nga po gusto nating protektahan ang ating mga citizens.
Kung dumating tayo sa punto na ang mga case doubling time natin ay ulit na bumilis ang pagdoble ng kaso at nakikita natin na nao-overwhelm po ang system natin, maaari pong magkaroon ng ganiyang desisyon ang ating gobyerno.
SEC. ROQUE: Secretary Galvez and then Secretary Año.
SEC. GALVEZ: Sa ngayon ay mayroon tayong pinapatupad sa localized natin na (unclear) sa COVID. Nakita natin mayroon na tayong tinatawag na iyong zoning concept, na iyong lockdown natin ay nilo-localize natin. So para at least ang mga iyon, ang gagawin natin, mayroon tayong mga tinatawag na rapid response kung saan magkakaroon ng pag-uusbong ng new cases, nila-lockdown natin ang isang building; nila-lockdown natin iyong isang block; nila-lockdown natin ang barangay. At ginagamit din natin iyong mga provisions ng ECQ at GCQ doon sa mga lugar po na iyon.
So tiningan po namin ito para at least ang nakikita natin, continuous balancing ng ating health at saka iyong economy. At nakikita namin na itong localized fight against COVID is mas maganda kasi nakikita natin segmented ito at saka ito tinatawag na surgical at saka tinatawag nating mas localized.
SEC. ROQUE: Sec. Año?
SEC. AÑO: Kailangan po ang tingin natin dito ay ang totality po ang perspective natin, hindi lang po sa iisang indicator. Kasi kung titingnan po natin, karamihan nga po na dumagdag na cases ay tinatawag nating old cases po ano, matagal na sobra sa apat na araw. Pero kapag tiningnan po natin ang ating data sa mga namatay, ngayon po ay pito lang ang namatay ‘no, ang huling ulat natin – noong nakaraang araw ay walo; nakaraang araw ay 21 – at wala po tayong nakikitang siksikan sa ospital. So ibig pong sabihin po nito ay—iyon po iyong magandang panuntunan na nakikita natin po na naku-contain po natin itong virus na ito, kahit po na maraming late reporting ay hindi po ganoon ang sitwasyon na akala natin ay nagkakaubasan na ng bed sa ospital and by the hundreds ang namamatay.
So iyon po ay tingnan natin sa pangkalahatang pananaw na kayang-kaya po natin iyong sitwasyon at hindi naman po nangangahulugan na babalik tayo sa MGCQ o sa ECQ sapagka’t sa indicators po natin ay natutugunan ng ating health sector ang panggagamot sa ating mga pasyente ng COVID.
Kaya nga halimbawa po, itong data po natin kahapon, pito po ang namatay na ating mga kababayan eh marami pong naiulat, akala natin ay sobra-sobra na po. Pero ito naman ay dahil sa bumilis na rin, na-automate na iyong ibang mga kagamitan natin kaya iyong mga dating walang resulta ay lumalabas ngayon.
So ang tingnan po natin ay iyong pangkabuuang resulta at nakikita po naman natin na gumaganda at naha-handle po nating mabuti ang COVID crisis.
SEC. ROQUE: Trish Terada CNN.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Magandang tanghali po, sirs and ma’am. This question is addressed to—anyone may answer po ‘no. Follow up lang po kami doon sa domestic flights. We’d just like to clarify kung kalian po talaga magri-resume iyong domestic flights because local carriers are announcing na June 2 pa po sila magri-resume?
SEC. ROQUE: I talked to CAB and CAAP, at apparently ang nagiging problema are the local government units are refusing to admit passengers from the domestic flights ‘no. So paplantsahin po iyan, but perhaps our Chief Implementer General Galvez can comment on the topic.
SEC. GALVEZ: Iyong sa local flights, may sinabmit na po iyong ating DOTr. Tinitingan po namin kasi iku-consult po natin ang mga LGUs kasi ang nakita natin din, takot din talaga iyong mga LGUs na magkaroon ng open travel dahil kasi iyon nga, sa importation. And sa ngayon po ay inu-open natin iyong ating air travel only sa inbound passengers from our OFWs and seafarers.
Sa ngayon po—dati po ni-limit po lang natin na 400 to 600, sa ngayon po na dahil iyong ating 24,000 po na OFWs ay nakauwi na po, ngayon po ay inaangat po namin ito sa 1,ooo to 1,500 a day kasi mayroon po tayong 42,000 na ini-expect na OFWs na darating ngayong June.
So sa ngayon po, pag-aaralan po naming mabuti, iku-consult po namin si General Lorenzana at saka si Secretary Tugade at saka si SILG para pag-aralan po kung ano pong lugar ang puwede nating buksan. Sa ngayon po, bubuksan po natin ngayong linggo, ito pong Clark kasi nakita po natin may testing capacity na siya rito at the same time, mayroon siyang tinatawag na … maganda iyong organization ng local manning agencies at saka ng ating BCDA doon sa area. And then later on, once na natapos na po iyong ating tinatawag na modular testing centers dito sa Cebu, puwede na po nating i-open and then later on magku-coordinate na po tayo sa Davao at saka sa ibang areas sa GenSan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, my next question po is about the illegal Chinese health facilities. Sir, ito po bang pagkakaroon ng—sunud-sunod po kasi iyong pagkakahuli o pagkaka-discover nitong illegal Chinese Health facilities. Hindi po ba siya nakakaapekto doon sa real picture of the number of COVID cases because from what we understand hindi naman po sila nagku-coordinate sa local government units or even to our health department? So paano po kaya iyon, sir, na posibleng hindi natin alam kung positive or PUI pero nakakagala sila on their own because they are doing their own test? And at the same time, sir, kung may mga ganito pong behavior na pinapakita, is it high time to review the existence of POGOs because it appears that despite our hospitality na pinapakita po sa kanila in a way, it’s very disturbing na they don’t seem to trust our health institution, because they have their own facilities?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, tatlong kaso po ang nasasampa diyan sa mga underground clinics na iyan: Iyong illegal practice of medicine, iyong illegal sale of unregistered pharmaceutical products at saka iyong violation po ng quarantine law natin dahil lahat po ng COVID cases ay dapat niri-report sa DOH.
Ang POGO po, wala pa pong nag-o-operate ng POGO kasi ang sabi po ng BIR ay hindi pa sila nagbibigay ng tax clearance sa kahit kanino. So I think that question is pre-mature, wala pa naman pong recovery sa POGO. Let’s not attribute anything na hindi pa po nagsisimula nga iyong industriyang iyon.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, my next question is for Usec. Vergeire. Usec, may nagpapatanong lang po. Iyong backlog supposedly maki-clear po siya or parang the commitment was to have it cleared by last week. Ano daw po iyong nangyari kung bakit hindi po na-meet iyong deadline na pagki-clear ng backlog? And on other hand, may mga nagsasabi din po na kaya naman daw po palang mapabilis itong pag-clear ng backlog, bakit po medyo late o ngayon lang nagawa iyong pagki-clear ng backlog po?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Klaruhin lang po natin. Mayroon po tayong dalawang klase na backlog: Ang una pong klase is the laboratory backlog. Ito po iyong sinasabi natin na lahat pong samples na na-receive natin for testing, at mula noong na-receive at hanggang mag-release ng results ay more than 48 to 72 hours – that’s the backlog for laboratory.
Now, the backlog in validation—we don’t call it a backlog actually; it’s the delays in validation. So this validation is, we are trying to confirm the cases through the documents that are being sent to us – the case investigation form. So iyong pinag-usapan po natin last week are the laboratory backlogs. We were able to reduce the backlogs from laboratory from 7,000 to I think only, almost 500 last Friday.
Unfortunately, over the weekend, the exhaust fan of the Western Visayas Medical Center, the exhaust system for their negative pressure room ay nasira po uli. So this is again another unforeseen circumstance kung saan nagkaroon ho tayo uli ng maraming backlog because hindi po sila nakapag-test, and we are trying to address this already.
So iyon pong backlog natin nang una tayong nag-usap-usap ay na-reduce po natin iyon. Ito na lang po ulit, mayroon na po tayong mga bagong operational issues which, again, nagbigay ulit ng backlog sa iba nating laboratoryo.
USEC. IGNACIO: Question form Aileen Taliping of Abante Tonite: Paano daw po iyong payment holiday sa loans and credit card payments ngayong nasa GCQ na sa Metro Manila?
SEC. ROQUE: Okay, basta loans, the law will apply – mayroon tayong 30-day grace period. Ang pagbabayad ay beginning—well, kung ang date due po ay May 31, you still have one month grace period to avail of. So iyong 30-day period, grace period under the law is upon lifting of the MECQ.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin ni Aileen: Sabi ninyo nitong weekend wala nang second wave para sa mga pamilyang nasa GCQ. Ibig po bang sabihin nito pati iyong mga pamilyang hindi nakatanggap noong una o iyong mga na-left out ng April ay wala na ring tatanggaping ayuda dahil GCQ na sila?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko po: Iyong second tranche, iyan po ay para doon sa mga lugar na nanatili sa ECQ or MECQ at iyong limang milyong additional na mga indibidwal na nabigyan dahil gusto ni Presidente na mabigyan ang mas marami. So, kahit na anong classification po ng lugar ninyo ngayong Hunyo, wala pong epekto iyan doon sa matatanggap ninyong ayuda para po sa nakalipas na buwan. Malinaw po iyan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon sa ating gentlemen. Good morning, Usec. Vergeire. Sir, I’ll do away with the practical questions first. So iyong quarantine pass, hindi required within the GCQ. So iyon bang mga lipat-bahay, balik-bahay, puwede na iyan, sir?
SEC ROQUE: Si Chief Implementer Secretary Galvez, mga lipat-bahay po? Si ano na lang, si Secretary Año.
SEC. AÑO: Gumawa kami ng panibagong panuntunan at ang atin pong mga—pag-ibahin po natin iyong quarantine pass sa travel pass ‘no. Iyong quarantine pass po ay ito iyong within the locality na lumalabas ng bahay at dito po ay binigyan natin ng leeway ang ating local government units sapagkat iba-iba naman iyong classification, lalo na iyong under ng GCQ. Mayroon talagang mga community diyan na sinasabi natin na mayroon pa pong mga infection. Sila po iyong mga nagpapatupad na hindi pa po puwedeng lumabas ang mga tao at ito pong mga areas na ito ay mayroon pong kapangyarihan ang ating local government units para magpatupad ng quarantine pass sa mga lugar na mayroon pang mga infection.
At iyon namang mga lugar na tinatawag natin na mga libre na ay puwedeng hindi na magkakaroon ng quarantine pass. So, ito ay depende nga sa sitwasyon ng ating mga LGUs. So ang ibig sabihin nito, may discretion ang ating local government units sa pag-i-isyu ng quarantine pass para naman sa ganoon ay maprotektahan din nila iyong mga lugar na mayroon pang mga infection.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, maybe Secretary Galvez and Secretary Año can answer. Because the strength of iyong lockdown natin, iyong targeted lockdown depends on the number of cases that we have. Number one, can I have an update, sirs, on the cases that we already have and we need to contact? And pasagot na rin, sir, doon sa sentiments ng public na parang now that we open up to GCQ, parang sinasabi nila matira matibay na lamang ito, sir?
SEC. ROQUE: Sino ang gustong unang sumagot? Sa issue po ng tracing, si Chief Implementer, DILG ang nagti-tracer, go.
SEC. AÑO: Sa tracing po natin, ang overall po natin ay maganda na, umaabot na tayo sa 96% ng tinatawag nating contact tracing ability. Pero dito po sa Metro Manila ay nasa 76% pa rin po tayo – ano po ang ibig sabihin noon? Ang ibig sabihin noon ay sa isandaang positive, mayroon pa po tayong hindi nati-trace na 24%. At ito po kailangan pag-ibayuhing mahanap sapagkat ang atin pong batas ay mayroon pong tinatawag nating data privacy act na hindi katulad po ng Vietnam. Ang Vietnam kasi lahat ng cases nila ay ina-announce nila sa TV, sa radyo at saka sa newspaper. Eh sa atin po may mga protection tayo, kaya ang atin pong mga epidemiology surveillance units, ang ating Philippine National Police ay tuluy-tuloy.
So ibig pong sabihin nito dahil po may mga restrictions sa ganiyan ay kailangan pa rin po ng tinatawag nating GCQ at MGCQ. Pero sa ngayon po ay malaking improvement iyong ating contact tracing at, in fact, because of contact tracing ay nag-improve iyong ating sitwasyon. Pero ganoon pa man, kailangan pa rin talaga natin ang kondisyon ng quarantine para naman po sigurado na hindi makalipat ang virus sa ibang tao.
SEC. GALVEZ: Hindi naman siguro tama iyong matira-matibay dahil kasi talagang tinitingnan namin – pati nga kami nila DTI, umiikot kami, nila NCRPO – nakikita namin talaga iyong mga tao naman talaga medyo sumusunod din sa atin. In fact, noong umikot kami sa mga malls, alam natin iyong SM North, nandoon ho kami kahapon, akala natin na maraming taong nandoon. Alam ninyo 20% pa lang ang pumupunta na tao dahil kasi malaki rin ang takot ng mga tao, and then nakakaawa nga iyong ating mga business sector kasi talagang walang pumapasok sa kanilang mga stalls.
So with that, nakikita rin natin na iyong ating mga business sector, they are heightening up their strict protocols. Natutuwa nga kami kasi iyong mga LGU natin sa Metro Manila at saka dito iyong mga business sector, mas mataas pa ang kanilang awareness talaga na even iyong stricter pa sa IATF ang pinapatupad nila.
So ang nakikita ko dito talaga ay iyong—ang concern ng mga LGUs at saka iyong mga business sector, we are working together na at least iyong transmission talaga ma-prevent. At the same time iyong pag-open ng GCQ will also put some breathing space na magkaroon talaga ng economic activity considering that more than millions of our workers are being affected by the lockdown.
So iyon po ang ano natin, and then we will localize iyong lockdown sa mga barangays. Sinasabi nating segmented at saka iyong surgical and we could have iyong tinatawag natin na iyong ma-prevent natin talaga iyong tinatawag nating … kinatakutan natin na magkaroon ng widespread transmission.
So iyong second wave po, talagang we are protecting our people na hindi po tayo magkaroon ng second wave. That’s why iyong testing capacity din ng Metro Manila tumaas, na mayroon na po tayong 25 testing centers po sa Metro Manila.
SEC. ROQUE: Okay. Last question, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Can I go to Undersecretary [signal cut] Hi, good morning ma’am. Ma’am [garbled] parang sinasabi ninyo po [garbled] 6,000 and then we now have 18,000 [garbled]. So kung ia-add po natin ‘to, mayroon po tayong 23,000 ma’am na total number of possible infections in the Philippines is only [garbled]. And another question is, [garbled] iyong ilang [garbled] na hindi yata pinayagan ng DOH to install iyong machine sa Western Visayas [garbled] with the procurement and basically just movement of their initiative to mass test individuals? Two questions, ma’am.
USEC. VERGEIRE: Yes, Joseph. The first one would be, iyong sinasabi mo na 23,000 because you’re adding the validation delays to our existing confirmed cases, ito ay hindi pa sigurado ‘no. Kapag bina-validate natin ang mga kaso, ating tinitingnan baka may duplication, baka may mga erroneous inputs, so babawasin pa rin natin iyan. So hindi talaga mo masasabi na ‘pag in-add mo iyan ay iyan iyong magiging total mo na 23,000 plus, mababawasan pa iyan because of validation.
Second would be the Western Visayas Medical Center na hindi tumanggap ng makina. Wala kami pang nari-receive na ganiyang impormasyon, although dito sa Western Visayas Medical Center at saka sa iba pa nating mga laboratory facilities through our National Task Force ‘no, sila Secretary Galvez, nagkaroon na tayo ng mga kasunduan na mayroon na ho tayong mga tinutulungan ‘no to expand our testing dito po sa mga vulnerable population across these different areas. Maybe Secretary Galvez can also add to this answer.
SEC. ROQUE: Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Pupunta nga kami doon sa Iloilo and also galing din kami sa Cebu. In fact, itinataas natin iyong level ng testing capacity doon, naglagay na tayo ng dalawang notch o iyong tinatawag na automated machine doon sa Central Visayas. At doon po sa bandang Iloilo at saka sa Negros ay nagtatayo na rin po tayo ng laboratory.
Kahapon nakausap na po namin ang Ayala Group at may tinatayo po sila na parang iyong sa QualiMed, iyong tinatawag na mga civilian laboratories na itatayo doon sa bandang area ng Western Negros. Kaya po pupunta kami po bukas, titingnan po namin iyong mga laboratories kung ano po ang mga kailangan pa na mga tinatawag nating PCR machines at saka magdadala rin po kami ng mga rapid test kits.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: From Francis ng Daily Tribune: Laguna Representative Dan Fernandez, it is as unconscionable the move by the NGCP to demand a 3.2 billion increase in its billing for services this year. With the ERC granting the NGCP’s request despite the country currently experiencing COVID-19 pandemic, Fernandez threw this criticism at the NGCP after officials of the country’s power grid operators defended their demand for an additional 3.2 billion in interim maximum annual revenue for 2020. What is the Palace reaction on this?
SEC. ROQUE: Well, we will ask po the Department of Energy to comment on this. We understand the ERC by law is a regulator and they have quasi-judicial functions including rate fixing, but I think the Department of Energy exercises supervisions nonetheless ‘no. So we will refer the matter po to Secretary Cusi.
USEC. IGNACIO: Iyong second question niya Secretary, sinagot na rin, iyong augmentation sa public transport doon sa mga stranded passengers. Iyong tanong naman ni Kris Jose, nasagot na rin po iyong sa second wave ng SAP and then iyong kay Sam Medenilla ng Business Mirror, sinagot din po iyong pag-resume ng commercial flights. Ito na lang po iyong second question niya: Ilang areas ang mailalagay under localized Enhanced Community Quarantine under sa new zoning scheme of the IATF?
SEC. ROQUE: Iyan po ay desisyon ng mga mayor and then the governors can also declare ECQ in municipalities and in component cities. But Secretary Galvez, do you have an idea how many of these localized barangays and zones there will be?
SEC. GALVEZ: Iyong ano natin, depende po kasi iyon sa localized natin eh, localized mga zoning at iyon po ay ipapasa po namin sa LGU. Iyong proposal namin, kaa-approve lang ng IATF. So ang nakikita po natin, nagbigay naman po ng mga analytics iyong tinatawag na granular data na kung ano po iyong mga tinatawag nating hotspots sa different areas. So nakita natin dito sa bandang area ng Cebu at saka iyong bandang area ng NCR, dito nakita natin na maraming hotspots considering that iyong ating increases ng new cases ay patuloy pa rin.
So iyon po, ang inaano po natin na dito nga sa Cebu, mayroon na po silang ina-apply na mga lockdowns at ang tawag po nila dito ay ‘segmented lockdown.’ So iyon po, at nakikita po natin sa areas po na previously na na-downgrade sa GCQ ay talagang tinitingnan po natin ang surveillance po doon.
SEC. ROQUE: Secretary Año?
SEC. AÑO: Ito pong ating localized lockdown po ay iba-ibang antas ano, mayroon pong isang buong barangay, mayroong isang subdivision lang o kaya ay isang building lang para lang mabilis na ma-contain iyong infection. At ano po iyong numerong binabantayan natin? Dapat po ‘pag mayroong dalawa pataas, dapat po ay ila-lockdown na natin iyan para mas maliit, mas mabilis, mas madali nating mapipigilan.
Puwede pong lumaki iyan hanggang isa o dalawang barangay, kaya nga po ang ating mga local government official ay nakikipagtalastasan sa ating mga Regional IATF sapagkat sila po ang magtutulungan kung ano po ang sakop o area na dapat pong i-lockdown. Ito po ay para masigurado natin na hindi na magkaroon pa ng contamination sa ibang lugar at madali nating mapigil ang pagkalat ng virus sa isang area.
So iba-iba po iyan, mayroong isang barangay, mayroong isa lang subdivision o kaya isang building lang po. So diyan po papasok na talaga iyong discretion ng ating local government units sa tulong din po ng ating IATF sapagkat mayroon po tayong binuo na mga tinatawag po nating special teams na siya pong mag-aayuda sa ating local government units. Sa ganiyan pong pamamaraan ay makakapagpatuloy ang pamumuhay pero matutugunan natin iyong talagang areas na dapat bigyan ng konsentrasyon.
SEC. ROQUE: Siguro last question. Mayroon pa bang last question, wala na?
USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon pang tanong si Genalyn Kabiling: Will the government increase the budget to meet COVID testing target of one to two percent of the country’s population? When will the government achieve this testing goal?
SEC. ROQUE: Naka-budget na po iyan. At lilinawin ko lang na iyong mga areas na mataas ang kaso gaya ng Metro Manila, we seek to target up to 10% of the budget.
When do we seek to achieve this goal, Chief Implementer?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, talagang mataas po iyong capacity ng ating mga testing laboratories. Ang ano po natin baka mga before the end of June ay magkakaroon na po tayo nang mataas na capacity. Sa ngayon po ang NCR po ay nagkakaroon po ng regular testing na po ngayon na by LGUs. Binigyan na po namin sila ng quota and then ginagamit na po natin ang mega swabbing areas natin dito sa Metro Manila.
So ang nakita po namin, nag-meeting kanina iyong private sector at saka si Secretary Vince Dizon and we are moving forward na before the end of the month ay talagang ma-achieve na po natin iyong capacity natin na mayroon na po tayong capacity na more or less 30,000 po na tests a day. Sa ngayon po nagkakaroon po tayo ng mga konting problema sa supply chain at sino-solve na po natin po iyon.
SEC. ROQUE: Pia Gutierrez, ABS-CBN. Siguro last question na ito—last three questions.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, this question is to you and DILG Secretary Año. Sir, [choppy signal]
SEC. ROQUE: Naku, choppy ka. Choppy, we can’t hear you. We can’t hear you. Hindi namin marinig, Pia. Pia, paki-ayos iyong audio mo, hindi namin marinig. Wala kaming narinig, Pia.
Si Melo Acuña muna habang inaayos natin iyong audio ni Pia.
Melo Acuña?
MELO ACUÑA: Good afternoon, Secretary. Good afternoon to all the resource persons. Isang tanong muna para kay Secretary Roque: Binanggit po ng pamahalaan na maaaring gamitin ang mga himpilan ng radyo at telebisyon sa pagtuturo sa mga kabataan, may sapat po bang pondo ang pamahalaan para sa private radio and television stations sapagkat hindi mabubuhay ang mga himpilan ng radyo at telebisyon on tax credits? That’s the first question.
SEC. ROQUE: Mayroon po tayong PTV4, mayroon po tayong IBC 13 at titingnan pa natin kung ano pa iyong mga community channels na gagamitin ng DepEd. Pero sa tingin ko naman po eh kung talagang kinakailangan iyan eh hahanap at hahanap ng budget ang DepEd para diyan dahil marami naman tayong matitipid dahil walang face to face classes.
So pupuwede naman sigurong mai-realign iyong ilang pondo ng DepEd towards compensating iyong mga community TV and radio stations na gagamitin natin para sa eskuwelahan.
Your next question, Melo?
MELO ACUÑA: Yeah, okay po. For Secretary Lorenzana [signal fades] napipintong umuwi mga Filipino mula sa Sabah sapagkat [signal fades] sila? Mayroon bang paraan ang Department of National Defense [signal fades] this people na makauwi sa Pilipinas dahil [choppy signal] istriktong programa ang Malaysian government?
SEC. LORENZANA: Yeah, mayroon tayong programa diyan, Melo. Ginagamit natin iyong mga—kung kinakailangan nating sunduin natin sila doon ng ating mga eroplano, mayroon tayong C130s o hindi kaya barko ng Navy.
So, inaayos lang natin through the Department of Foreign Affairs kung ilan itong babalik at saka hinahanapan din natin ng mga quarantine facilities sa… either sa Tawi-Tawi o hindi kaya sa Basilan.
MELO ACUÑA: Huling tanong po for Sec. Año. [signal fades] early, iyon po bang DILG nakilala na natin iyong best and worst practices in local government units in their response to COVID-19 crisis [signal fades]. Thank you, Secretary.
SEC. AÑO: Yes, totoo iyan. Mayroon na tayong nakitang mga best practices at mayroon po kaming forum na ishini-share namin iyong best practices na ginagawa ng ibang LGUs para po makatulong sa ibang LGUs.
As a matter of fact, ang mismo pong ULAP, ang leagues ng provinces, ng cities at saka ng municipalities, tuluy-tuloy po iyong talastasan namin. Mayroon po kaming tinatawag na Ugnayan at Talakayan through Zoom din, almost every day po iyan at kaharap at kausap namin iyong ating mga local government units, nai-she-share natin iyong mga best practices.
Ito rin po siguro ang isang dahilan kaya mabilis naka-graduate iyong ibang municipalities at nakapunta sa MGCQ at until now po ay ginagawa natin iyan para mai-share at malaking … magandang programa sapagkat bumilis din po ang ano—Makikita po natin ang GCQ areas natin ay kakaunti na lang at mas marami na ang ating MGCQ at sana ay tuloy tuloy na ito sa bagong tinatawag nating new normal. So, we continue to share experiences and learn from each other.
SEC. ROQUE: Pia Gutierrez?
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hello, sir.
SEC. ROQUE: Yes, go ahead. We can hear you now, go.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Yes, sir. Okay, sir … change location. Sir, this question is for DILG Sec. Año. Kasi tapos na po iyong buwan ng Mayo but we have yet to [signal fades] of the Social Amelioration Program. Ang sabi ng DSWD, this is because the DILG have yet to complete the liquidation reports so we do not know [signal fades], so, ano po iyong ginagawa ng DILG to expedite this? Do we expect the Palace to order the DSWD to push through with the second tranche kahit hindi tapos iyong validation lalo na at kailangan ng mga tao iyong ayuda?
SEC. AÑO: Maraming salamat, medyo choppy iyong dating pero sasabihin ko na rin ang aking kasagutan. Unang-una, ang ating unang tranche ay patapos na talaga at kaunting-kaunti na lang at tuluy-tuloy pa rin iyong mga sa malala—ang problema lang natin talaga ay iyong malalayong lugar, iyong mga island. Pero iyong dito sa mga within mainland, tapos na po tayo diyan. Kung titingnan po natin siguro nearly 100% na po tayo and we are now preparing for the second tranche.
At dito sa second tranche, heto nga hawak ko iyong aming joint implementing guideline na kung saan ay gagamitin na rin ng DSWD iyong mga iba’t ibang mode of payment sapagkat noong sa SAC form nakalagay po doon kung ano iyong mga pupuwedeng magamit na mode of payment kaya mas mabilis itong second tranche sapagkat magagamit na natin iyong iba’t-ibang e-payment at e-cash arrangement. Pero tutulong ang ating PNP at saka AFP sa mga lugar na malalayo para sa pagdi-distribute at siyempre, ang participation pa rin ng ating mga LGUs.
So, tuluy-tuloy naman din ang validation na ginagawa ngayon. Ibig sabihin, mga nakatapos na ay nagba-validate na at nagpe-prepare na ang ating DSWD sa pag-distribute ng second tranche natin and we will make sure na mas mabilis ito sapagkat combination na ito ng manual at saka ng e-payment and at the same time, iyong five million na sinasabi nating hindi nabayaran o hindi nabigyan noong first tranche, uunahin din po natin sila.
At sa ngayon, ang ulat sa akin ay four million names na po ang na-validate namin, I mean dito sa DILG, at ito ay ipinapasa namin as we get it to DSWD. So, maaaring mauna pa nga itong mga naiwan na five million dahil, sapagkat kailangang-kailangan naman nila ito.
So, this is a very good work in progress and hopefully this June ay maibigay na natin lahat itong second amelioration.
SEC. ROQUE: Next question.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, when do we expect the [choppy signal], sir?
SEC. AÑO: Well, tuluy-tuloy ang validation actually ano. We do not wait, o ito kailangan, so kapag dumating na iyan inaayos na lahat. Now, we are going to sign the joint memorandum circular dito sa ating … for the second tranche. At ito ay binubuo ng iba’t ibang probinsiya then tuluy-tuloy na talaga lahat iyan and hopefully, ito ay makapagsimula kaagad tayo in the … very soon.
SEC. ROQUE: Last question, Pia?
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Yes, sir. Kay Secretary Año, hihingin ko lang din po iyong opinion sa recent statement ni special rapporteur Agnes Callamard, she said that COVID-19 emergency measures in a country the Philippines could lead to increase state of domestic violence of the police particular [signal fades] and the marginalized [signal fades] verbatim: “Of course in countries like the Philippines, law enforcement is already acting beyond international law and allowing the use of force, so you can only imagine what those additional powers under a state of emergency.”
SEC. ROQUE: Well, my comment is again, I’ve been consistent, I know Professor Agnes, she’s not a specialist on extra-legal killings. She is a specialist on freedom of expression. It would have been better if the UN appointed an actual expert on extra-legal killings of the same caliber as Philip Alston.
I wish Agnes good luck. I wish she could get tenure in her University, so that she could actually be recognized as an expert.
Now, I’d like to say re-state the rule in international law: The use of force is not prohibited by the State provided it is necessary and it is proportional. And I think the kind of responses, the use of force that we have seen satisfied this criteria, if not, then appropriate cases are filed whether be it criminal or administrative which is the duty of the state in case of an alleged violation of the Right to Life.
Sec. Año?
SEC. AÑO: Yes, oo. Kung makikita natin ang sitwasyon sa Pilipinas compare natin sa ibang bansa lalo na sa Amerika, malayung-malayo iyong ating sitwasyon. Mula nang nagsimula ang ating crisis, more or less mga 100,000 violators ang natala natin at ang kinasuhan doon ay almost about 50%, ang iba naman doon ay pinagsabihan lang at pinauwi naman. Itong mga talagang kinasuhan natin ay ranging of different cases at ito naman ay talagang kinakailangan at makikita natin ang pagsunod ng ating mga kababayan sa batas ay maganda. Ikumpara natin ito sa ibang bansa ay malaki ang diperensiya at hindi tayo magkakaroon ng sinasabing anumang looting o anumang ibang mga breakdown sapagkat lubos namang masunurin ang mga Pilipino.
So, iyan lang naman ang ating masasabi. We are really doing good in terms of peace and order. Kaya nga sinasabi ko, 59% drop tayo sa crime, sa tingin ko iyon lang iyong isang magandang—one of the many positives that we achieved during this crisis and ang Pilipino naman ay lubhang disiplinado, I mean, talaga namang by nature ay disiplinado ang mga Pilipino.
SEC. ROQUE: Okay, thank you. Before we end the press briefing, I’d like to acknowledge the presence of Congresswoman Rida Robes of the Lone District of San Jose del Monte, Bulacan. Welcome, Congresswoman. As well as Congresswoman Ria Vergara, representative 3rd District, Nueva Ecija. Welcome, Congresswomen.
Well, I’d like to thank of course our resource persons, si USec. Vergeire, Sec. Galvez, Sec. Lorenzana and Sec. Año.
Unang araw po ngayong ng GCQ at MGCQ sa ating bayan, sana po huwag ninyong kakalimutan: Habang walang bakuna, habang walang gamot, banta pa rin po ang COVID-19. Nasa kamay po natin ang diperensiya sa pagitan po ng buhay o kamatayan. Iingat po tayo.
Sa ngalan po ng inyong Presidente – Rodrigo Roa Duterte – ito po ang inyong Spox na nagsasabing, magandang hapon po sa inyong lahat.
###
SOURCE: PCOO- NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)