URI: Secretary Sal, magandang umaga po sa inyo.
SEC. PANELO: Good morning.
URI: Unang katanungan, tama po ba ngayong araw na ito ay magpapa-test ng COVID-19 si Pangulong Duterte. Ano po ang nag-udyok sa kaniya para gawin ito, Secretary?
SEC. PANELO: Well, as per advice of the Health officials given the fact na nakikipag- engage siya sa mga Cabinet members, some of whom have been in contact with those infected with the virus the officials feel that he needs to undergo a test; pero wala naman siyang symptom definitely. Kumbaga, this is a preemptive step to ensure that he is fit and healthy to perform his work as a government worker. Kasama na rin doon si Senator Bong Go.
URI: Wala siyang anumang ubo, sipon o lagnat?
SEC. PANELO: Ah wala.
URI: Ang Pangulo po ngayon, I understand nasa Palace ba o nasa Davao?
SEC. PANELO: Papuntang Davao.
URI: Papuntang Davao. Okay. Iyong mga sinasabing naka-meeting nina Secretary Dominguez at Secretary Tugade na positibo sa COVID, iyon po ba ay naka-meeting din ng ating Pangulo?
SEC. PANELO: Ah hindi, outside iyon.
URI: Ang sinasabi, iyong isang positibong nakausap ni Secretary Tugade ay nagkita-kita sila doon sa inspection ng NLEX Harbor Link, naroon din po ang Pangulo, nakalapit ba iyong tao na iyon, would you know?
SEC. PANELO: Hindi ko alam ang circumstances surrounding that.
URI: Kayo Secretary, mawalang-galang na, itatanong na rin namin, para lang sa ating mga kababayan din. Kayo nagkakausap kayo ng mga Secretary na ito, ng ating Pangulo. Wala ba kayong self-quarantine o ano pa man?
SEC. PANELO: Wala naman, dahil wala namang—doon sa mga nakahalubilo ko, walang history ng kagaya nung tatlo.
URI: So, kumpirmado itong si Secretary Tugade, Dominguez; tapos person under monitoring si Secretary Avisado at sila Secretary Vince Dizon, tama po iyon, Secretary?
SEC. PANELO: Yes.
HISTA: Kasi siyempre para sa kapanatagan din po ng ating mga kababayan, kumbaga po iyong pagse-self quarantine po ng ating Pangulo ay para lang po maipakita na talagang nakikiisa siya sa pag-iingat po ng ating mga mamamayan. Tama po ba, Secretary?
SEC. PANELO: Correct.
URI: Ulitin natin, hindi po ito dahil sa mayroon pong sakit ang Pangulo?
SEC. PANELO: Definitely, hindi.
URI: Ano daw po ang reaksiyon ngayon—Bella Cariaso ng Bandera: Ano ang reaksiyon ngayon ng gobyerno, ng Palasyo matapos ideklara na ng WHO na pandemic na ang COVID-19?
SEC. PANELO: Well, as we said, we are seriously concerned with the passing of development of the spread of the virus and the government is ready. Marami na tayong na-establish na protocols at mga measures upang ma-arrest natin ang spread and more importantly, that is why we are asking our countrymen, mga kababayan natin na kinakailangan mag-monitor tayo ng mga lumalabas na mga medical bulletins. Pagkatapos iyong dating mga sinabi na sa atin ay dapat nating gawin, on our own eh gawin natin, sapagkat iyon ay napakahalaga upang masawata natin ang paglawak nitong sakit na ito.
HISTA: May I just ask po, Secretary Panelo. Ano po iyong precautionary measures na ginagawa po ng inyong opisina para naman makaiwas din po kayo sa sakit na ito?
SEC. PANELO: Eh pareho ng… gaya ng sinabi na nga natin. Unang-una, iyong personal hygiene mo, that’s one; pangalawa, iyong social distancing mo; iyong pangatlo, iyong tinatawag na pag-a-avoid mo ng mga crowds. If you feel na ikaw medyo masama ang pakiramdam mo, eh kailangan mag-self quarantine ka o pumunta ka sa doctor.
HISTA: Matanong lang po, may balak po ba kayong ipa-disinfect din ang inyong tanggapan para po makaiwas din?
SEC. PANELO: Ang alam ko dine-disinfect na.
HISTA: So magho-hold pa rin kayo ng press conferences despite of—
SEC. PANELO: Definitely, mayroon ako mamayang 12:30.
URI: Secretary, iyong sa Boracay, hindi natuloy, wala pang schedule ito kung kailan ulit?
SEC. PANELO: It was moved to another day, depende.
URI: All right. So at least naririyan kayo. Assurance uli sa ating mga kababayan coming from the Presidential Spokesperson kung ano ang sitwasyon ngayon ng Pangulo, ang kanyang kalusugan, ang kanyang pamilya at ang buong bayan dito po sa COVID-19 na ito?
SEC. PANELO: Uulitin po natin: ang Pangulo ay nasa mabuting kalagayan, ganundin si Senator Bong Go, ginagawa lang nila ito upang makita ng mga kababayan natin na tayong mga opisyales mismo ginagawa natin iyong mga protocols na ini-establish. Saka para makita na rin na siya mismo ay malusog upang magawa niya iyong dapat na tungkulin na naka-atang sa kanya ayon sa Saligang Batas na pagsilbihan at bigyan ng proteksiyon ang mga kababayan natin.
URI: Alright. Ibabahagi daw po ba ninyo sa publiko ang anumang magiging resulta nung test ng ating Pangulo?
SEC. PANELO: Oh, definitely yes of course.
URI: Baka mayroon pa kayong additional input sa information that you wanna share, Secretary. Go ahead please.
SEC. PANELO: Magsisimula na iyong meeting with inter-agency ng emerging infectious diseases, and then tatalakayin namin dito kung ano pang mga steps na gagawin natin, dahil there is a rapid development na ang spread ng virus.
HISTA: Pahabol na tanong po from me, Secretary. Maiko-consider n’yo rin po ba ang shortened work hours or shortened working week po sa inyong tanggapan?
SEC. PANELO: Kasama iyon sa pag-uusapan namin.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)