SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga sa lahat ng nanunood at nakikinig po sa atin ngayon.
TULFO: Opo, live po tayo sa PTV nationwide, sir. Ganoon din po sa mga Radyo Pilipinas nationwide.
Sec., unahin ko na lang po iyong napag-usapan kahapon ng mga health experts with the President kung itutuloy ba itong lockdown dahil ang mga kababayan natin ay nagtatanong, naghihintay na rin po at atat kung ano raw ho ba, alam nila na mag-aanunsiyo yata ang Pangulo tomorrow regarding this matter, Secretary Harry, sir?
SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko noong briefing ko, unang-una, wala pong nagrekomenda sa Presidente na magkaroon ng total lockdown. At wala rin pong nagrekomenda na ‘as is, where is’ dahil ang paninindigan ng mga eksperto iyong desisyon kung ipagpapatuloy, iri-relax o ili-lift ay dapat depende po iyan doon sa numero ng mga COVID cases sa iba’t-ibang lugar. At ang sinabi naman po ng mga eksperto, ang outbreak ay nasa Metro Manila, Calabarzon, mga bahagi ng Bulacan, Cebu City at Davao City.
So sa kanilang pananaw, pupuwedeng manatili ang ECQ doon sa mga lugar na maraming mga COVID cases; at doon sa ibang parte ng Luzon ay pupuwede rin sigurong i-relax o di naman kaya tanggalin na kung wala namang mga COVID cases dahil sa ngayon po ay mayroon pa rin tayong mga COVID-free provinces.
TULFO: Okay, okay so malinaw, sir. So ang sinasabi lang nila at ito ay pinag-aaralan nga. I’m sure, nasa Pangulo pa rin po iyong approval, sir, kung iri-relax ba iyong ECQ sa ibang bahagi ng Pilipinas, outside of Metro Manila, outside Calabarzon, outside ng ilang lugar sa Bulacan and Cebu and Davao. So na kay Pangulo pa rin ang last na desisyon, Secretary?
SEC. ROQUE: Opo. Kaya nga po nililinaw ko na ito po ay mga rekomendasyon ng mga pribadong mga dalubhasa, at mayroong sariling rekomendasyon ang ating gobyerno na hindi ko po isinapubliko dahil nag-request naman po sila na huwag munang isapubliko.
TULFO: Oho. Pero bukas, sir, sigurado na malalaman na natin kung ano ang desisyon ng Pangulo? Is this correct, Secretary?
SEC. ROQUE: Ang huling pag-uusap po namin – at siguro mas nakausap na …mas up to date si Senator Bong Go – ang sabi po niya ay pupuwede niyang ianunsiyo ngayon, pupuwede niyang i-anunsiyo Abril a-treinta – depende po iyan kung anong magiging desisyon niya. Kasi kung ang desisyon niya ay magkaroon ng relaxation, eh kapag in-announce niya ahead of April 30 eh baka lumabas na iyong mga tao sa lansangan muli. So hindi ko po masabi kung kailan talaga. At tayo naman po, gaya ng aking sinabi paulit-ulit sa aking mga press briefing, ay magtiwala po tayo dahil binigay naman natin ng mandato si Presidente na siyang maging lider natin sa mga panahong krisis na ito. Magtiwala po tayo na gagawin niya iyong tamang desisyon.
TULFO: Pero ang malaking—nabasa ko lang naman ho ito, Secretary, correct me po if I’m wrong, dahil mas gusto ko hong marinig sa inyo na mismo dahil nandiyan ho kayo sa Palasyo kaysa sa nababasa ko sa mga major dailies and TV and radio na press releases po nila na sinasabi na tama po ba na kapag medyo mataas ang bilang ng COVID cases sa isang lugar ay hindi muna iri-relax, like Metro Manila, like Calabarzon, like Cebu and Davao and ilang parts ng Bulacan? So medyo may possibility na itutuloy po itong, ‘ika nga, quarantine? Is this correct?
SEC. ROQUE: Iyan po talaga ang naging rekumendasyon ‘no, na kung talagang mayroon outbreak at kasama na po doon ang Metro Manila ay para hindi po dapat ma-lift ang ECQ. Pero ang isyu naman po – kaya hindi ako makapagsalita talaga ngayon dahil ayaw kong pangunahan ang Presidente – kasi iyong ECQ ay pupuwede ring ipatupad sa buong probinsiya, sa buong siyudad, sa buong munisipyo o di naman kaya sa lebel ng barangay. So iyan po ang mga opsiyon na I’m sure pinag-aaralan po ng ating Presidente ngayon.
TULFO: All right, isa pa pong lumabas sa pahayagan ay ang sinasabi na ang Pangulo raw po ay nag-alok ng 10 million sa sinumang Pilipino na makakaimbento ng gamot pangontra sa coronavirus o COVID-19. May mga kumakalat din sa social media, iyong sinasabi na Fabunan anti-viral injection, ito na raw ho kaya o bakit hindi raw po i-testing sa mga kababayan natin, Secretary?
SEC. ROQUE: Salamat sa iyong tanong ‘no. Ang sabi po ni Presidente, sampung milyon para sa bakuna; hindi naman po gamot ang sinabi. At ako po ay kinausap ko, kakausap ko lang po kay Dr. Domingo ngayon, ang sabi ko nga, ‘Bakit ba hindi napag-aralan iyong sinasabing anti-viral injection ni Fabunan at once and for all, magdeklara ang FDA – ito ba ay safe to use or hindi? Kasi habang hindi ginagawa at hindi nagdedeklara ng ganiyan ang FDA, palaging madaming maniniwala na baka ito na nga ang lunas.
So sabi ko pag-aralan na nga kung ano iyan at magkaroon na ng pronouncement ang FDA dahil sa panahon na ito, maraming nais maniwala bagama’t kinakailangan ay siyensiya pa rin ang umiral nang malaman natin kung iyan ba ay banta o mabuti sa kalusugan ng ating mga kababayan.
TULFO: Tama. Sir, panghuli na lamang. Sinabi po ng Pangulo sa previous announcements niya na said na ang pondo ng gobyerno; wala nang, ‘ika nga, pera. Pinaghahanap niya na nga si Secretary Dominguez ng pagkukunan para sa mga middle income families, etc. Ang PAGCOR po at ang Committee on Appropriations na headed by Congressman Eric Yap is recommending na buksan na muli ang mga POGO na work at home itong mga tao na ito para may income. Kasi daw, sabi ng PAGCOR, mukhang kumikita yata, kikita ang gobyerno 600 million a month sa mga ito, sa POGO, pero they have to work at home. Nandoon naman daw sila sa mga condo eh, hindi rin naman sila nakakalabas. Irerekomenda daw nila sa Pangulo, Secretary.
SEC. ROQUE: In fact, nagrekomenda na po si Secretary Dominguez, kung hindi ako nagkakamali, pero iyan po ay pinag-aaralan pa rin ng Presidente. Hindi po kasi pupuwede na special ang desisyon sa mga POGO kasi ang tanong pa rin, nasaan iyong mga POGO kung sila ay nasa lugar kung saan may outbreak and limitado po talaga ang opsiyon ng Presidente diyan. At tama po kayo, titingnan iyong posibilidad na kaya bang magkaroon ng social distancing, kaya bang magkaroon ng work at home, at saka iyan po ang magiging basehan ng desisyon ng ating Presidente.
TULFO: Ayun. Naku, Secretary Harry Roque, sir, maraming salamat sa mga information ho ninyo. Magandang umaga. Stay Healthy, stay safe, Secretary.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Mabuhay po ang Pilipinas.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)