Photos
Bumalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang kaniyang partisipasyon sa ika-42 na ASEAN Summit sa Labuan Bajo, Indonesia kung saan ibinahagi niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga kasaping bansa tungo sa pagpapanatili ng kaunlaran at kapayapaan sa rehiyon.
Inilahad ng Pangulo ang pakikiisa ng Pilipinas sa iba’t ibang hangarin ng ASEAN at mga external partner nito sa pagpapayabong ng malayang kalakalan, pagsusuporta sa mga “Nano businesses” at MSMEs, pagsisiguro ng suplay ng pagkain at enerhiya, at ang pagtugon sa epekto ng climate change.
Binigyang-diin ng Pangulo ang mapayapang pagresolba sa isyu sa West Philippine Sea base sa 1982 UNCLOS, at siya’y nagpasalamat din kay Indonesian President Joko Widodo para sa mainit na pagtanggap sa delegasyon ng bansa.
Nakaharap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si H.E Taur Matan Ruak, Prime Minister ng Timor-Leste sa isang bilateral meeting sa huling araw ng kaniyang pakikilahok sa 42nd ASEAN Summit.
Sa pulong, inihayag ni PBBM ang kanyang suporta sa pagpasok ng Timor-Leste bilang miyembro ng ASEAN, maging sa mga inisyatibo ng bansa para sa kanilang nation-building. Pinasalamatan din ng Pangulo si PM Ruak sa mabiliis nitong aksyon hinggil sa pagtanggi sa hinihinging political asylum ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Seeing the huge growth potential of the Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), President Ferdinand R. Marcos Jr. called for increased collaboration among concerned nations for further development of the region.
Sa Retreat Session ng 42nd ASEAN Summit, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatuon ang Pilipinas sa pagpapatupad ng Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) para sa mapayapang pagresolba sa mga isyu sa West Philippine Sea. Binigyang-diin ng Pangulo ang pagkakaisa ng bawat bansa sa pagsusulong ng hangarin at pagpapaunlad ng buong ASEAN. Nanawagan din si PBBM sa Myanmar na sumunod ito sa Five-Point Consensus.
President Ferdinand R. Marcos Jr. and Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh agreed Wednesday to continue strengthening the strategic partnership between the Philippines and Vietnam by expanding cooperation on trade and investment, tourism, agriculture, and defense and security.
Sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang High-Level Task Force on the ASEAN Community’s post-2025 vision (HLTF-ACV), hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lider ng ASEAN na ipagpatuloy at paigtingin ang mga hakbang na tutugon sa mga isyung geo-politikal sa rehiyon. Aniya, kailangan ipakita ng ASEAN na kaya nitong resolbahin ang mga hamon na kinakaharap para maisulong ang kapakanan ng bawat bansang kasapi nito at ipakita ang katatagan at pagkakaisa ng asosasyon.
Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suporta ng Pilipinas sa panukala ng Association of Southeast Asian Nations- Business Advisory Council (ASEAN-BAC) na palakasin ang mga hakbang tungo sa food security, itaguyod ang mas mataas na produksyon, at kilalanin ang “nutrition-enhancing agriculture mechanism" na magbibigay ng mas maayos na sistema ng pagkain sa ASEAN. Bukod dito, kinilala rin ng Pangulo ang kritikal na tungkulin ng pribadong sektor, lalo na ang mga “nano businesses" sa kanilang ambag sa pagpapalago ng ekonomiya.
The Philippines and the Lao People’s Democratic Republic (PDR) vowed to work closely together to strengthen cooperation in various fields, including health, education, trade and people-to-people exchange agreements.
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging partisipasyon ng mga kabataang Pilipino sa mga hakbang ng pamahalaan na tugunan ang epekto ng climate change. Sa kanyang pagdalo sa pag-uusap kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Youth, inilahad niya ang potensyal ng mga kabataan upang manguna sa pagsulong ng pagbabago sa rehiyon. Hinimok din niya ang ibang kasaping bansa sa ASEAN na sundan ang halimbawa ng mga kabataang Pilipino sa pangangalaga sa kalikasan. Isa sa inisyatibong kasalukuyang pinangungunahan ng sektor ay ang paggunita sa taunang ASEAN Youth in Climate Action and Disaster Resilience Day tuwing ika-25 ng Nobyembre.