Photos


Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ating mga kababayan sa Cambodia matapos ang kaniyang pagdalo sa 40th at 41st ASEAN Summits at Related Summits. Taos-pusong nagpasalamat si PBBM sa mga OFW para sa kanilang pagsisikap at kontribusyon para sa bayan. Siniguro din ng Pangulo na tuloy-tuloy ang serbisyo na ibibigay ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa ating mga OFW at ang pagpapatibay ng mga repormang pang-ekonomiya na magreresulta sa mas madaming oportunidad sa bansa.
There is a huge opportunity for the Philippines and Canada to work together in various fields to continue deepening relations between the two countries, Canadian Prime Minister Justin Trudeau said in a bilateral meeting with President Ferdinand R. Marcos Jr. on Sunday.
Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos. Jr. sa ika-17 na East Asia Summit na dapat manaig sa South China Sea ang kapayapaan, seguridad, katatagan, at kaunlaran.
The Philippines stands ready to manage the risks posed by the Russia-Ukraine conflict and the devastating effects of natural calamities, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Sunday, adding those factors have driven steep and persistent inflationary pressures on food, transportation, and energy.
The Philippines is committed to working with the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) and Canada to deliver on its commitment to protect and promote migrant workers’ rights through various initiatives, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Saturday.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Saturday called for an enhanced Association of Southeast Asian Nations-US collaboration to address maritime security issues and transnational crime.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay His Majesty Haji Hassanal Bolkiah, Sultan of Brunei Darussalam bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa Cambodia para sa ika-40 at ika-41 na ASEAN Summit at ibang kaugnay na pagtitipon. Tinalakay sa bilateral meeting ang pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Brunei. Nagpaabot din ng pakikiramay si Sultan Bolkiah sa pagkawala ng buhay at pagkasira ng imprastruktura sa Pilipinas dulot ng mga nagdaang kalamidad.
Sa isang bilateral meeting, napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Yoon Suk-yeol ng Republic of Korea na palakasin ang relasyon ng mga pinamumunuang bansa sa aspeto ng seguridad, imprastraktura, enerhiya, at ugnayan ng mga mamamayan. Nagpaabot naman ng pakikiramay si PBBM sa nangyaring trahedya sa Itaewon gayundin si President Yoon sa mga nasawing Pilipino dulot ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
Sa ginanap na 10th ASEAN-US Summit, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pakikiisa ng Pilipinas sa implementasyon ng mga programang bahagi ng ASEAN Outlook on Indo-Pacific kung saan nagpahayag ng suporta ang US. Hinikayat din ni PBBM ang Estados Unidos na gamitin ang impluwensiya nito para maibsan ang suliranin sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis at krudo.