Photos
Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-25 na ASEAN Plus Three (APT) Summit ngayong araw kung saan inihayag ng Pangulo na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa organisasyon upang maisakatuparan ang bagong APT Cooperation Work Plan 2023-2027. Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapatibay ng kooperasyon at pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kasaganaan sa rehiyon. Ang APT ay isa sa may pinaka-komprehensibong balangkas ng pagtutulungan sa rehiyon na tumatalakay sa mga usapin ng seguridad sa politika, kalakalan, enerhiya, agrikultura, kalikasan, edukasyon, kalusugan, at iba pa.
Sa ASEAN-United Nations (UN) Summit ngayong araw, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dedikasyon ng Pilipinas na bigyang-boses ang kabataan at patuloy isulong ang kapayapaan at seguridad nang inilunsad ang Philippines’ National Action Plan (NAP) noong Agosto. Siniguro rin ng Pangulo na buo ang suporta ng Pilipinas sa mga proyekto ng ASEAN at UN partikular sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran at pagtugon sa pagbabago ng klima.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed hope to explore opportunities for technological cooperation on renewable energy sources with the Republic of Korea.
President Ferdinand R. Marcos Jr. pushed Friday for the early conclusion of a Code of Conduct (COC) in the South China Sea based on international law, which he said should be an example of how states manage their differences.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday said addressing the climate crisis is a “collective responsibility” of all nations, with developed countries playing a bigger role in global efforts to mitigate its risks and effects.
President Ferdinand R. Marcos Jr. rallied for regional unity on Friday to make the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) responsive to present challenges, as he called on his fellow leaders to continue creating an inclusive and resilient ASEAN conducive to growth and prosperity.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday was warmly welcomed by Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders during his first ASEAN summit since he assumed office.
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Cambodian Prime Minister Hun Sen sa isang bilateral meeting sa Peace Palace sa unang araw ng opisyal na pagbisita ng Pangulo sa bansa. Sa miting, ipinarating ni PBBM ang hangaring pagkakaisa ng ASEAN at pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan. Nagkasundo rin ang dalawang pinuno na pagtibayin ang kooperasyon ng Pilipinas at Cambodia sa prayoridad ng mga bansa sa aspeto ng kalakalan, agrikultura, geopolitics, at digitalization.
Nakipagtipon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga pinuno ng mga kasaping bansa at miyembro ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) ngayong araw, Nobyembre 10. Sa miting, hinikayat ng administrasyon ni PBBM ang pagtutulungan ng rehiyon na siguruhin ang pagsuporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), pagpapaigting ng kontribusyon ng kababaihan sa ekonomiya, at ang pagsiguro ng digital na kapasidad ng mga negosyante.
Nakipagtipon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga pinuno ng mga kasaping bansa at miyembro ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) ngayong araw, Nobyembre 10. Sa miting, hinikayat ng administrasyon ni PBBM ang pagtutulungan ng rehiyon na siguruhin ang pagsuporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), pagpapaigting ng kontribusyon ng kababaihan sa ekonomiya, at ang pagsiguro ng digital na kapasidad ng mga negosyante.