Photos
Sa ginanap na 10th ASEAN-US Summit, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pakikiisa ng Pilipinas sa implementasyon ng mga programang bahagi ng ASEAN Outlook on Indo-Pacific kung saan nagpahayag ng suporta ang US. Hinikayat din ni PBBM ang Estados Unidos na gamitin ang impluwensiya nito para maibsan ang suliranin sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis at krudo.
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa katatapos lang na ASEAN-Canada Commemorative Summit ang mga karapatan ng migrant workers at kababaihan, at ang pagpapangalaga sa biodiversity. Kaugnay nito, ipinahayag ni PBBM ang pakikipagtulungan ng Pilipinas na protektahan at isulong ang karapatan ng migrant workers sa pamamagitan ng iba’t ibang programa. Hinikayat din niya ang Canada na suportahan ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga kababaihan sa mga bagong kasanayan at palakasin ang kanilang kakahayan sa pagnenegosyo.
PBBM Thanks Japan for Hosting Filipinos, Providing Pandemic Aid
Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawang ASEAN-Australian Summit ngayong araw, hinikayat niya ang Australia na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa ASEAN para sa pagpapabuti ng mga programa sa technical at vocational na pagsasanay, at ang suporta nito sa ASEAN Centre for Biodiversity para tugunan ang climate change.
Kasama ang iba pang mga kinatawan ng ASEAN, lumahok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-19 na ASEAN-India Summit kung saan ipinagdiwang ang ika-30 na anibersaryo ng ASEAN-India Dialogue relations.
World Economic Forum (WEF) Founder and Executive Chairman Klaus Schwab today invited President Ferdinand R. Marcos Jr. to the WEF in Davos, Switzerland on January 16-20, 2023.
Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-25 na ASEAN Plus Three (APT) Summit ngayong araw kung saan inihayag ng Pangulo na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa organisasyon upang maisakatuparan ang bagong APT Cooperation Work Plan 2023-2027. Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapatibay ng kooperasyon at pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kasaganaan sa rehiyon. Ang APT ay isa sa may pinaka-komprehensibong balangkas ng pagtutulungan sa rehiyon na tumatalakay sa mga usapin ng seguridad sa politika, kalakalan, enerhiya, agrikultura, kalikasan, edukasyon, kalusugan, at iba pa.
Sa ASEAN-United Nations (UN) Summit ngayong araw, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dedikasyon ng Pilipinas na bigyang-boses ang kabataan at patuloy isulong ang kapayapaan at seguridad nang inilunsad ang Philippines’ National Action Plan (NAP) noong Agosto. Siniguro rin ng Pangulo na buo ang suporta ng Pilipinas sa mga proyekto ng ASEAN at UN partikular sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran at pagtugon sa pagbabago ng klima.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed hope to explore opportunities for technological cooperation on renewable energy sources with the Republic of Korea.